Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bing, excited sa pagbabalik-Kapamilya (Walang project kaya nawala)

ni Rommel Placente

032415 bing loyzaga

BALIK-ABS-CBN 2 si Bing Loyzaga pagkatapos mag-lapse ang kontrata sa Kapatid Network at hindi na siya nag-renew dito. Kasama siya sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula ngayong March 22.

“For a change, mabait ako rito,” natatawang kuwento ni Bing tungkol sa kanyang role.

Patuloy niya, ”Kaya ko naman palang maging mabait, eh. Nasa teritoryo ako ng mga engkanto and it’s a fun role for me.”

Nakadagdag din daw sa excitement ni Bing sa Wansapanataym na magagaling ang mga co-star niya rito.

“Nakae-excite kasi ang gagaling nila, ng mga katrabaho ko. So ‘yung gana mong magtrabaho naroon kasi excited kang gumising ng maaga para pumunta sa set.”

WALANG PROJECT KAYA NAWALA

Ipinaliwanag ni Bing kung bakit hindi siya naging visible sa telebisyon lately.

“Hindi naman sa nawala, it’s just that I was tied up in a different company for three years. Wala lang talagang project that time, I’m just happy to be back sa ABS.”

Natapos naman daw ng maayos ang kontrata niya sa TV5.

“We’re both happy with the decision, pero walang bad blood,” paglilinaw pa ni Bing

Ayon pa kay Bing, very comfortable siya sa muling pagtatrabaho sa ABS-CBN.

“It’s nice to be doing projects with artists na hindi mo nakakasama ng matagal, ‘di ba? And at the same time, it’s nice to have project din ‘di ba? Kasi kahit guaranteed contract ‘yung sa akin dati, unfortunately, hindi naka-produce ng maraming shows, so it’s nice to be active again, that’s the excitement.

“Pagbalik ko rito sa Dos, siyempre iba rin kasi kilala mo na kaagad ‘yung mga tao. I’m not saying na TV5 didn’t care for us, they did, pero siyempre, nangingilala ka sa ibang tao roon. Iba ‘yung pagbalik mo, may kakilala ka na at kilala ka na,” paliwanag pa ng aktres.

Natutuwa naman si Bing na gaya niya ay bumalik na rin sa Kapamilya Network si Sharon Cuneta.

“She deserves it. She deserves to be home. Well, ano lang naman ‘yan, eh. After a while, kailangang mag-break, magbabakasyon ka for a while pero babalik at babalik ka rin sa bahay mo.

“So, alam ninyo na kung bakit kami friends? Pero ganoon kasi ‘yung pakiramdam talaga,”masayang sabi pa ni Bing bilang pagtatapos.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …