Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, ginawang ‘coach’ si Toni sa pagpapatawa

031915 coco toni

00 SHOWBIZ ms mMATAGAL nang hinihintay ang pagtatambal nina Coco Martin at Toni Gonzaga. At sa wakas, naisakatuparan ito ng Star Cinema sa pelikulang You’re My Bossna mapapanood na sa April 4.

Ang You’re My Boss ay ang pinakamalaki at pinaka-exciting na romantic-comedy na ipalalabas sa mga sinehan ngayong tag-araw.

Sina Coco at Toni rin ang masasabing pinakamalaki at pinaka-accomplished young stars ng ABS-CBN ngayon. Isa si Coco sa pinakanirerespeto at talentadong actor ng kanyang henerasyon at kitang-kita ito sa kanyang impressive at diverse na body of work na kinabibilangan ng consistent string ng mga top-rating primetime TV series, high profile multi-media endorsements, at mga blockbuster film.

Si Toni naman ay kinilala bilang Ultimate Multi Media Star sa mundo ng showbiz. Gaya ni Coco, marami at non-stop din ang mga blockbuster na pelikula niya matapos sumikat ng todo bilang isang top singer at recording artist, concert performer, at television host. Si Toni rin ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang celebrity endorsers sa buong bansa.

Ang You’re My Boss ay isinulat ni Antoinette Jadaone. Kilala si Antoinette bilang breakout romantic-comedy director ng 2014 at siya rin ang sumulat at nagdirehe ng That Thing Called Tadhana na highest grossing independent Filipino film of all time.

Nakasentro ang You’re My Boss sa nakaaaliw na sitwasyon ng isang top-level na executive at ng isang messenger. Mapipilitan silang magpalit ng posisyon sa kompanyang pinagtatrabahuhan upang masara angisang napakalaking business deal. Maaarin magtagumpay ang kanilang plano ngunit kakayanin kaya ng mga puso nila ang pagpapanggap na kanilang gagawin?

Ang pelikula ay isang masaya at light na summer movie na tiyak na pupukaw sa damdamin ng milyon-milyong Pinoy. First time na gumawa ni Coco ng rom-com kaya naman ibang Coco ang mapapanood dito. Aminado ang binata na si Toni ang coach niya sa pelikulang ito. Hindi nga naman kasi siya sanay na magpatawa. Sinabi nga nitong may mga eksenang nakaka-take 6 siya gayung ‘pag drama eh, take one lang.

 

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …