Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charity Concert ni Bro. Eli para sa mga naulila ng SAF 44, kasado na

031915 Songs for Heroes poster

TULOY na tuloy na ang ipinangakong charity concert ni Bro. Eli Soriano na magsisilbing tulong para sa mga naulila ng mga magigiting na kasapi PNP Special Action Force at Armed Forces of the Philippines na nakipaglaban sa mga grupo ng mga terorista upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa bansa.

Ang Songs for Heroes concert ay nakatakdang ganapin sa Marso 19, sa SM Mall of Asia Arena.

Matatandaang sa Twitter unang ipinahayag ni Bro. Eli ang planong charity concert bilang tugon sa mapayapang paraan sa paglutas ng kaso sa Mamasapano na ikinakampanya ng pamahalaan.

Agad namang umani ng suporta ang panawagan mula sa grupong Members Church of God International (MCGI) na pinangangasiwaan ni Bro. Eli at ng mga tagasubaybay ng kanyang programang Ang Dating Daan.

Ang Songs for Heroes, ay tatampukan ng mga batikang mang-aawit gaya nina Noel Cabangon, Jonalyn Viray, Jay Durias, Gerald Santos, Faith Cuneta, Bo Cerrudo, Jason Fernandez, Jek Manuel, Shane Velasco, Beverly Caimen, at marami pang iba.

Mag-aalay din ng awitin sa konsiyerto ang AFP at PNP sa pamamagitan ng kanilang chorale groups. Anila, ito ay ang kanilang bahagi upang maipakita ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa pamilya ng mga kasamahan nilang mga pulis at sundalo na nasawi sa malawakang kampanya ng pamahalaan upang labanan ang terorismo sa Mindanao.

Katuwang naman ni Bro. Eli Soriano ang UNTV na kilala bilang Public Service Channel sa pangununa ni Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon, upang maisakatuparan ang charity concert.

“Maging bahagi tayo ng solusyon,” ani Kuya Daniel patungkol sa layunin ng charity concert kung kaya’t pursigido ang UNTV na suportahan ang proyekto ni Bro. Eli.

Suportado ng MCGI ang mga paraang isinasagawa ng pamahalaan upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …