Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie, too late na para kunin ang mga anak

ni Ed de Leon

022515 jackie benjie

INILABAS na naman ni Jackie Forster kung paano sa edad na 15 ay na-in love siya kay Benjie Paras na mas matandang ‘di hamak sa kanya, at kung paanong sa kabila ng objections ng kanyang mga magulang ay sumama nga siya roon. Nagkaroon sila ng dalawang anak, at sinasabi nga niyang sa buong panahong iyon ay naging miserable ang kanyang buhay.

May akusasyon pa siya ngayon na nalaman niyang bago pa sila nagsama ay may iba na palang naanakan si Benjie.

Ito naman ang punto na hindi maliwanag sa amin. Matagal na panahon na silang naghiwalay, in fact may kanya-kanya na silang pamilya sa ngayon. Tahimik naman sila noong araw eh. Siguro nga happy na rin naman si Jackie na nakakawala siya sa “miserableng buhay” na sinasabi niya ngayon. Nakatagpo na siya ng ibang kaligayahan na siguro hindi naman siya miserable. Ganoon din naman si Benjie na nakatagpo na ng bago niyang mamahalin at mukhang ok naman sila. In fact inalagaan ng asawa ni Benjie ang lahat ng kanyang mga anak at itinuring niya ang mga iyon na parang tunay niyang mga anak. Katunayan, mas nakaka-identify pa ang mga anak nina Benjie at Jackie sa bagong asawa ng una.

Ano kaya ang dahilan at ngayon ay nagwawala si Jackie at gustong mapunta naman ang atensiyon ng kanyang mga anak?

Hindi naman ikinakaila nina Andrei at Kobe na siya ang nanay nila. Ang sinasabi lang ng mga bata, mas kasundo nila ang kanilang madrasta. Ang gusto nilang mangyari, at sa ngayon naman ay malalaki na sila at may sapat nang kaisipan, doon na lang sila kung saan sila naroroon ngayon. Mukhang too late na kung ang gustong mangyari ni Jackie ay sa kanya pa sumama ang mga bata. Kumikita na on his own si Andrei dahil artista na. Naging artista naman iyon dahil sa pagsisikap din ni Benjie at ng kanyang asawa na naniwala sa talents ng kanyang anak. Wala rin naman dito at nasa abroad na si Kobe, na naglalaro para sa isang malaking unibersidad sa US. Iyon namang nalalaman ni Kobe sa basketball, sa palagay namin ay dahil sa mga aral na rin mula kay Benjie.

Palagay namin mas mabuting manahimik na muna si Jackie at hintayin na lang ang panahon na ang mga anak niya mismo ang magkusang lumapit sa kanya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …