Friday , November 15 2024

PNoy sinalubong ng protesta sa PMA graduation

031615 pnoy pma gradPINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang commencement exercises ng Philippine Military Academy (PMA) Sinaglahi Class of 2015 sa Fajardo Grandstand, Borromeo Field, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, Baguio City kahapon. (JACK BURGOS)

BAGUIO CITY – Hindi naging hadlang sa mga militanteng grupo ang higpit ng seguridad sa Philippine Military Academy para hindi sila makapagsagawa ng kilos-protesta.

Paglabas ng convoy ni Pangulong Benigno Aquino III sa mismong gate ng akademya ay biglang nagsilabasan ang grupo ng mga protester na may hawak na placards na nagpapanawagan sa pagbaba ng pangulo sa puwesto.

Gayonman, naging maagap ang mga miyembro ng Baguio City Police Office, agad nilang hinarang ang mga nagpoprotesta sa labas ng gate ng akademya.

Napag-alaman, walang permiso ang mga militanteng grupo sa isinagawa nilang protesta ngunit ayon sa kanila, ito ay bahagi ng malayang pagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa pangulo.

TUTOL SA REPORMA BINALAAN NI PNOY

TAHASANG binalaan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga aniya’y nasa kabilang panig ng isinusulong niyang mga pagbabago.

Inihayag ito ng Pangulo sa commencement exercises ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City nitong Linggo.

“Sa pakikiambag ninyo at ng iba pang magigiting na miyembro ng ating unipormadong hanay, malinaw ang mensahe natin sa mga nasa kabilang panig ng ating agenda ng reporma: kung handa kayong makipag-usap nang sinsero, bukas ang estado sa isang resonable at tapat na dialogo, Pero kung patuloy ninyong ilalagay sa peligro ang sambayanan, hindi kami mag-aatubiling sagasaan kayo.”

Ang mga nagtapos na kadete ay binubuo ng 155 lalaki at 16 babae. Sa bilang na ito, 91 ang napiling mapasama sa Philippine Army, 35 ang nais makapasok sa Philippine Air Force, at 45 ang nais na magserbisyo sa Philippine Navy.

Hamon ng Pangulo sa mga nagtapos na kadete, pangatawanan ang kanilang hangarin sa paglilingkod at higitan ang narating ng mga nauna sa kanila.

“Sa paglabas ninyo sa akademyang ito at sa pagsisimula ng bagong yugto ng inyong buhay bilang mga kawal, aasahan kong paninindigan n’yo ang pakilala ninyo sa inyong sarili.”

AQUINO ‘DI INTERESADO SA 2ND TERM

MISTULANG tinalikuran ni Pangulong Benigno Aquino III ang realidad nang buhayin ang isyu ng kanyang second term kahit pa maraming grupo at dating kaalyado ang nananawagan sa kanyang pagbibitiw dulot ng madugong Mamasapano operation.

“Ngayon ngang palapit nang palapit ang pagtatapos ng mandatong ipinagkaloob ninyo sa akin noong 2010, parami nang parami at paulit-ulit ang mga nagtatanong: Sino ang magpapatuloy ng maganda nating nasimulan kapag bumaba na ako sa puwesto? May mga nagmungkahi: Bakit ‘di na lang ikaw muli?” aniya sa talumpati kahapon sa graduation ceremony ng Philippine Miitary Academy (PMA) Sinaglahi Class of 2015.

Ngunit hindi aniya siya interesado sa second term dahil hindi niya gustong isipin ng publiko na ayaw na niyang bitawan ang puwesto.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *