Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, nabansagang playgirl dahil kay Paulo

031015 jasmine paulo

00 fact sheet reggeeHINDI nagustuhan ni Paulo Avelino ang lumabas na litrato nila ni Jasmin Curtis Smith sa social media na nakitang nag-dinner date.

Nag-post si Paulo na minsan makikitid daw ang utak ng ibang tao dahil naiba nga naman ang kuwento ng dinner na ‘yun.

Nakatsikahan namin ang taong malapit sa Move It host, “hindi naman totoong nag-date, halatang na-crop ang picture kasi grupo sila, group-chat ‘yun, MARA (pelikula) group, sina Isabelle Daza magkakaibigan sila, kasama si direk Borgy Torre, ‘yung assistant director sa movie nila.

“Ako rin kasama sa group chat, pero that time wala ako. Magkakaibigan sila, walang anuman namamagitan. Sabi nga ni Jasmin, ‘dapat kinunan din nila ‘yung maraming-marami kami as in grupo.”

“Nakakatawa kasi ‘yung kumuha ng picture, eh, kina Paulo at Jasmin lang naka-zoom ang kamera at hindi isinama ‘yung ibang mga kasama, eh, ang dami nila.

“Bonding moment lang ‘yun ng magkakaibigan, ano ba?” paliwanag sa amin.

Hindi nga naman kasi maganda ang komento ng netizens na playgirl si Jasmin dahil kakahiwalay lang niya sa boyfriend niyang si Sam Concepcion at heto inagaw naman daw si Paulo kay KC Concepcion.

Nabanggit pa ng taong kausap namin, “walang namamagitan kina Paulo at Jasmin, magkaibigan sila, nakakaloka ang tsika, huh?”
ni REGGEE BONOAN

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …