Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, ipinagdasal na muli siyang kunin ng Dos

ni DANNY VIBAS

031115 Sharon Cuneta

MAS madasalin pala ngayon kaysa noon ang nagbabalik-ABS-CBN na si Sharon Cuneta.

“Nowadays, I pray to God for guidance before I make any decision, para kung ano man ang maging resulta ng desisyon ko, kahit na parang palpak o mali, I know that everything will turn out right or will work for the better eventually because I made the decision with God’s guidance,” lahad ng singer-actress-TV host noong Lunes ng hapon sa espesyal na pa-press conference para sa kanya ng network bilang isa sa tatlong hurado para sa bagong celebrity contest na Your Face Sounds Familiar.

Dati-rati nga raw ay hindi siya humihingi ng guidance sa Diyos. Ang sarili lang n’yang utak at ang mga consultant n’ya ang hinihingan n’ya ng guidance.

Answered prayer nga raw para sa kanya ang muling pagkuha sa kanya ng Kapamilya Network. “Hindi ako nagprisinta. I just prayed for it na sana kunin ako uli ng ABS-CBN. At nangyari nga. Because it is an answered prayer, I know that it is a very right decision for me to accept their single offer to be part of ‘Your Face Sounds Familiar’ na sa March 14 na ilo-launch,” pagtatapat ni Sharon.

Inamin n’yang wala naman o wala pang ibang projects na in-offer sa kanya ang network. At wala naman siyang angal sa ganoong sitwasyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …