Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, nag-ala Indiana Jones sa Wansapanataym

031215 julia coco

00 Alam mo na NonieNAIIBANG Coco Martin ang makikita ng kanyang mga taga-hanga sa isang special na magical summer series ng award winning fantasy-drama anthology na Wansapanataym na pinamagatang Yamishita’s Treasures na mapapanood simula sa March 22 (Sunday).

“Kung nasanay po ang viewers na magkasama kami sa mabibigat na teleserye, dito naman po ay mas light, may comedy, love story, at action. Pakikiligin po namin kayo nga-yong summer,” pahayag ni Coco na gaganap sa dito bilang ang treasure hunter na si Yami.

“Parang Indiana Jones ang karakter na gagampanan ko rito, kaya naiiba talaga ito,” dagdag pa ng magaling na actor.

Tampok din dito sina Julia Montes, Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores at Alonzo Muhlach. Ito ay sa pa-nulat nina Noreen Capili at Joel Mercado at sa direksiyon ni Avel Sunpongco.

Kung si Coco ay isang treasure hunter dito, si Julia naman ay bibigyang buhay ang diwatang makikilala ni Yami na si Tanya.

Samantala, nang usisain si Coco kung ano ang itinuturing niyang teasure sa buhay, nakakabilib ang sagot ng award winning actor nang sabihin ni-yang ito ay ang kanyang pa-milya.

“Hindi ako pinalad na magkaroon ng maayos na pamilya noong bata ako dahil separated ang parents ko.

“Ang pinaka-treasure ko lang, magkaroon ako ng maayos na pamilya. Kaya ngayon, sabi ko nga, ang mga kapatid ko, nakikita ko na kahit paano, nagkakaroon ng direksi-yon ang buhay. Naga-gampanan nila o nagiging maayos ang anak nila. Iyon iyong kayamanan na maituturing ko.”

Ang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ay bahagi ng magical summer campaign ng Dreamscape Entertainment Television.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.como sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Maaari na ring panoorin ang full epi-sodes o past episodes ng Wansapanataym gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …