Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabalik ni Sharon, trending agad!

031115 Sharon Cuneta 2

00 SHOWBIZ ms mMARAMI talaga ang naka-miss kay Sharon Cuneta kaya naman agad nag-trending worldwide ang kanyang pagbabalik sa ABS-CBN kahapon.

Kasabay ng pagbabalik ang contract signing ni Sharon na dinaluhan ng mga big boss ng ABS-CBN tulad ni president at CEO Charo Santos-Concio, COO Carlo Katigbak, free TV head Cory Vidanes, chief financial officer Aldrin Cerrado, TV production head Laurenti Dyogi, at business unit head Lui Andrada.

Isang masaya at enggrandeng homecoming ang sumalubong kay Megastar sa pagpirma niyang ng kontrata sa Kapamilya Network bilang miyembro ng jury ng pinakabago nitong variety show na Your Face Sounds Familiar.

Mismong si Sharon ang nagpahiwatig sa social media ng kanyang excitement sa pinakabagong TV project, na sinuklian naman ng kanyang fans ng pagbuhos ng mainit na suporta.

“I love you all from the bottom of my heart for your unwavering love and support,” mensahe niya para sa Sharonians sa kanyang Facebook page.

Ayon sa balita, no. 8 worldwide trending topic ang pagbabalik ni mega.

Kasabay ng pagbabalik ni Mega ang usapin ukol sa kanyang talent fee. Alam naman nating napakalaki ng TF na tinaggap niya nang lumipat sa TV5. Pero ayon kay Sharon, “Walang sulutang naganap sa pagbabalik ko, alam kong babalik ako sa Kapamilya Network at hindi malalagyan ng presyo ang pagbabalik kong ito.”

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …