Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Go, hanga sa galing ni Allen Dizon

031115 Allen dizon Baby Go

00 Alam mo na NonieBILIB ang producer ng pelikulang Daluyong na si Ms. Baby Go sa bidang aktor dito na si Allen Dizon. Kaliwa’t kanang acting award kasi ang natatanggap lately ni Allen para sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) ni Direk Jason Paul Laxa-mana.

“Magaling talaga si Allen, nakakabilib siya. Hindi lang dahil ang dami na niyang nakukuhang acting awards, kundi dahil din maayos siya sa trabaho. Kumbaga, professional talaga si Allen,” saad ni Ms. Baby.

Sa kasalukuyan, tinatapos na ni Allen ang Daluyong para sa produksiyon ni Ms. Go. Kuwento ito ng isang pari na may naanakang girlfriend. Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee.

Excited ang naturang producer sa proyektong ito dahil bigatin ang cast ng pelikula. “Puro magagaling ang artista namin dito. Bukod kay Allen, nandiyan si Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri,” saad ni Ms. Baby.

Bukod sa Daluyong, katatapos lang gawin ng BG Films International ang Child House. Kasamang producers dito ni Ms. Baby sina Romeo Lindain, at Mario Marcos. Kabilang ito sa mga advocacy films na kanilang ginagawa upang magbigay ng aral at inspirasyon sa mga manonood.

Ang iba pang pelikulang nagawa ng kanilang movie company ay ang mga advocacy films na tulad ng Lihis, Bigkis, at Homeless.

 

ni Nonie V. Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …