NAUNA nang inilabas ng Smart Communications ang print ad sa kanila ni Deniece Cornejo na kinuhaaan a year ago.
Sa kahaban ng EDSA at iba pang lugar sa Mega Manila ay makikita na sa mga bus ang nasabing Ad ni Deniece. Ibig sabihin, naniniwala ang kompanya ni Mr. Manny Pangilinan na lipas na ang issue sa pagitan ng controversial na celebrity model at kay Vhong Navarro.
Saka halata naman na biktima lang si Deniece sa kinasangkutang eskandalo lalo’t hindi naman siya ang nanakit kay Vhong. Kung meron man siyang partisipasyon dito, ang pagpapatuloy niya few months ago kay Vhong sa kanyang condo unit nang dalhan siya ng pagkain ng TV host comedian.
Last Sunday sa katatapos lang na 31st Star Awards for Movies, sa The Theater ng Solaire Resort and Casino ay nakasama namin si Deniece at ang escort niya noong gabing ‘yon na si Atty. Ferdinand Topacio at na-witness, namin kung paano parehong dinumog ang dalawa sa event. Talagang magmula sa pag-rampa nila sa red carpet ni Atty. Topacio suot ang Cinderella gown na gawa ng international fashion designer hanggang paglabas ng venue. Kinuyog talaga si Deniece ng fans, na gustong makipag-selfie sa kanya at magpa-picture. Lahat sila ay pinaunlakan ng pretty celebrity. Pinagbigyan rin niya ang lahat ng mga nag-interview, sa naturang awards night. Plano pala ni Deniece na i-pursue ang kanyang showbiz career at sa tulong ni Atty. Ferdie ay tiyak na magkakaroon ng katuparan.
Sa ngayon, bukod sa Smart ay endorser rin ang dalaga ng Faces and Curves at nasa fashion business rin siya sa internet.
Girl, go nang go gyud!
ni Peter Ledesma