Tuesday , December 24 2024

Bonifacio at The Janitor, namayani sa 31st Star Awards for Movies

ni Roldan Castro

031015 bonifacio janitor

HUMAKOT ng walong tropeo ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulokabilang ang Best Picture at Best Director, sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Philippine Movie Press Club (PMPC) 31st Star Awards for Movies na ginanap sa The Theater of Solaire Hotel Resort and Casino, Paranaque, noong Linggo,  Marso 8, 2015.

Ang indie film na The Janitor ang namayani sa indie category, limang award ang naibuslo nito, kabilang din ang Indie Movie of the Year at Indie Movie Director of the Year.

Napanalunan ni Nora Aunor ang Best Actress award para sa  Dementia, tie naman sa pagka-Best Actor sina John Lloyd Cruz (The Trial) at Piolo Pascual(Starting Over Again). Sa Best Supporting Actress ay tie rin sina Sylvia Sanchez at Gretchen Barretto, kapwa para sa pelikulang The Trial. Best Supporting Actor si Nicco Manalo para sa The Janitor.

Napagwagian naman ni Bimby Yap , ka-tie si Miggs Cuaderno, ang Best Child Performer award. At sa Best New Movie Actor & Actress award, nakuha ito nina Richard Yap at Sofia Andres.

Male & Female Face of the Night naman sina Inigo Pascual at Kylie Padilla,Male & Female Star of the Night sina Julian Estrada at Sophia Andres. At siVicky Morales ang itinanghal na Darling of the Press.

Ipinagkaloob kay Celia Rodriguez ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at naging madamdamin siya sa kanyang talumpati, samantalang ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay tinanggap ni direk Maryo J. delos Reyes.

Hosts ng 31st PMPC Star Awards for Movies sina Kim Chui, Xian Lim, Robi Domingo, at Pops Fernandez.

Pinalakpakan ang napakahusay na pagkanta ni International Singing SensationCharice. Umawit din sina Pilipinas Got Talent Season 3 Finalist Lucky Robles,Karaoke World Champions Lilibeth Garcia at JV Decena, at X Factor Phils and Macau International Jazz and Blues Festival Finalist Mark Mabesa. ‘Di rin nagpahuli sina King & Queen of R&B Jay-R at Kyla, kasama ang Voice of the Philippines Top 4 na sina Jason Dy, Alisah Bonaobra, Leah Patricio, at Rence Rapanot. Sa finale number naman ang madamdaming awitin ni Toni Gonzaga.

Ang 31st PMPC Star Awards for Movies ay blocktime production ng Airtime Marketing, Inc., sa pamumuno ng producer nitong si Tess Celestino-Howard, in cooperation with the Philippine Movie Press Club (PMPC) under the leadership ofMr. Joe Barrameda, current President and Over-All Chairman.

Mapapanood ang 31st PMPC Star Awards for Movies sa ika-22 ng Marso, saABS-CBN’s Sunday’s Best.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *