Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rachelle Ann, uuwi ng ‘Pinas para sa promo ng Cinderella (Muling pagpirma ng kontrata sa Miss Saigon, pinag-iisipan pa)

022615 rachelle ann

00 fact sheet reggeeUUWI ng Pilipinas sa susunod na linggo si Rachelle Ann Go para sa promo ng pelikulang Cinderella ng Walt Disney.

Nalaman naming si Rachelle ang napiling kumanta ng A Dream Is A Wish Your Heart Makesna soundtrack ng Cinderella bilang representative ng Pilipinas.

Tinanong namin ang manager ni Rachelle na si Erickson Raymundo tungkol dito, ”she recorded her version of the ‘Cinderella’ song. Siya ang napili ng Disney. At nag-record sila ngmusic video na ipalalabas din.”

Noong nakaraang taon ay napili muli si Sarah Geronimo na kumanta sa music video na The Glow na napanood sa Disney Channel gayundin si Kim Chiu na napili rin bilang Mulan para sa Disney Calendar at nangyari ang pictorial noong Oktubre 2014.

Pahayag ng manager ni Rachelle Ann, ”for promo lang ‘yung music video niya, pinakanta sa kanya pero ‘di naman gagamitin sa actual sa movie. Pero sobrang nagustuhan siya (Rachelle Ann) at full production sila, as in. Pauuwiin pa siya rito to promote.”

Bale ba, sagot daw ng Disney ang pamasahe ni Rachelle Ann pauwi ng Pilipinas sa susunod at nang lumipad naman patungong London si Erickson para sa negosasyon ay libre rin ang pamasahe niya.

MULING PAGPIRMA NG KONTRATA SA MISS SAIGON, PINAG-IISIPAN PA

Samantala, iniiisp ni Rachelle Ann kung muli niyang pipirmahan ang kontrata niya sa Miss Saigon para sa isang taon uling pananatili sa London.

Mag-e-expire na sa Mayo 9, 2015 ang kontrata ni Rachelle Ann bilang si Gigi sa Miss Saigon at malalaman natin sa pagdating niya kung magtutuloy siya o hindi na.

 

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …