Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharonians excited na sa bonggang comeback ni Sharon Cuneta (Mas napaaga ang pagbabalik-Kapamilya)

110614 sharon cuneta

00 vongga chika peterMAS napaaga ang pagbabalik-Kapamilya ng nag-iisang megastar na si Sharon Cuneta.

Bago pa ang teaser na ipinakita last Saturday sa TV Patrol Weekend, aware na ang lahat especially ang mga minamahal na Sharonians ni Mega sa bonggang comeback niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya noon for more than two decades.

Dahil sobrang na-miss na rin ng nanay-nanayan naming singer/actress (Sharon) ang showbiz ay gumawa pa siya ng countdown na ini-post niya sa kanyang Facebook account na nabasa ng supporters niya. Kompirmado na at isa sa mga araw na ito ay pipirma na ng kontrata ang megastar. Sa darating na Sabado at Linggo March 14 & 15, mapapanood ninyo si ‘Nay Shawie sa bagong impersonation show sa channel 2 na “Your Face, Sounds Familiar” bilang isa sa mga judges ng programa. Siyempre inaabangan na rin ng mga manonood ang kaseksihan ni Mega.

Isa pang nasagap naming news, plano rin daw ng management na pagsamahin sa isang Reality show si Sharon kasama ang daughter na si KC Concepcion at ex-husband na si Gabby Concepcion. First time na magkakasama ang tatlo kaya kapag natuloy ang nasabing project ay siguradong papatok sa televiewers.

Oo naman gyud!

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …