ni Tracy Cabrera
KAKAIBA ang kinalalagyan ngayon ni Adrien Broner sa kasaysayan ng boxing.
Hindi pa malinaw kung sino ang hahalili kay Floyd Mayweather Jr., o Manny Pacquiao bilang biggest star ng sport. Ngunit nakatitiyak din naman na may papalit sa dalawa bilang hari ng ring sa pagbaba sa trono ng dalawa.
Na kay Broner—ang self-annointed superstar ng boxing—naman ang flash at hype down, pero dapat niyang gawin ito sa ibabaw ng ring.
Gaya ng paghalili ni Sugar Ray Leonard kina Muhammad Ali at Mike Tyson na sinundan ni Leonard at Oscar De La Hoya at sinundan pa ni Tyson, may lilitaw na liwanag na hahalili kina Mayweather at Pacquiao.
Matagal silang nasa spotlight sa ika-21 siglo, pero malapit na sila sa fi-nish line.
At si Broner, na haharap kay John Molina Jr., sa MGM Grand Garden bilang bahagi ng debut card ng Premier Boxing Champ-ions series, matagal na itinuturing ang sarili bilang tagapagmana ng trono.
Ang totoo, may ilang karakter siya na nakaaagaw-pansin para isiping maaaring magkatotoo ito.
Mabilis ang kanyang kamay at malakas din sumuntok at magaling sumayaw sa ibabaw ng ring. Hindi rin siya camera shy at willing na i-promote ang kanyang sarili.
Hindi kailangang mahal siya ng karamihan. Pero kung may common thread sa hanay ng premier star ng boxing, ito’y ang ‘greatness’ sa ring at ‘charisma’ sa labas nito.
Kung minsan naman, iyong fighting ability ay mas mahalaga. Kakaiba ang naging popularidad ni Tyson dahil sa lakas ng kanyang suntok, pero hindi siya ang mainit at palakaibigang indibiduwal na mamahalin ng fans.
Sa kabilang dako, si De La Hoya ay mahusay na boksingero pero ang kanyang appeal ay nakabase sa kanyang hitsura, karisma at dahil bilingual siya.
Habang naghahanda si Broner, 25, para harapin si Molina, iginiit niyang nagbago siya bilang isang indibiduwal mula sa hard-to-like guy noong nagsi-mula siya sa edad na 22-anyos.
Noong 25 si Mayweather, tinalo niya ang mga tulad nina Genaro Hernandez, Diego Corrales, Jose Luis Castillo (dalawang beses), Jesus Chavez, Carlos Hernandez, DeMarcus Corley, Arturo Gatti at Sharmba Mitchell. Makalipas ang dalawang buwan sa kanyang kaarawan, pinatigil niya si Zab Judah.
Walang katulad na sita-han si Broner. Ang kanyang popularidad ay mas alamat kaysa nagawa.
Sa isang sport na puno ng mga self-absorbed at immature na celebrity, walang duda na si Broner ang pandaigdigang kampeon.
Kaya ngayon ay nangako si Broner na manahimik muna pansamantala. Iiwas siya sa pagiging masama ang bunganga at offensive sa mga boxing fans. At na-ngangako rin siyang magiging handa.