Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Greta, Claudine, at Mrs. Inday, dadalo sa 18th bday ni Julia (Ismiran, deadmahan, parinigan, walk out maganap kaya?)

ni Ronnie Carrasco III

030715 julia gretchen claudine inday Barretto

JULIA BARRETTO turns 18 this March 10, araw ng Martes. And her guest list is just too exciting.

Balita kasing may ‘di pagkakaunawaan ang kanyang inang si Marjorie at ang tiyahing si Gretchen (Julia calls her Mama Gretch) na inimbita niya. Also, expected to arrive is her Tita Claudine whose rift with Marjorie already ended, pero ‘yung alitan between Gretchen at Claudine ay hindi pa.

Inaasahan ding dadalo sa debut si Mrs. Inday Barretto who, to this day, hasn’t kissed and made up with Gretchen.

But Julia wants them all around. Aniya, layunin ng pagtitipong ‘yon na sana’y magkaayos-ayos na sila, bagay na sinang-ayunan ng kanyang amang si Dennis Padilla.

Ani Dennis, silang mga bata ay hindi dapat nakikisali sa away ng mga matatanda.

With the expected presence ng mga makukulay na miyembro ng pamilya Barretto, asahan nang isang napakalaking balita ‘yon that would liven up showbiz, a total departure from the sad stories tungkol kay Jolo Revilla, Jam Sebastian at iba pa.

For sure, the Barrettos are under close watch ng mga bisita roon, most specially by the media that—let’s face it—is only up on its toes sa mga tagpong may ismiran, deadmahan, dramatic entrance, parinigan, and even walkout scenes triggered by unwelcome presence ng sinuman sa kanila.

Sana lang, magkaroon ng respeto sa may kaarawan na si Julia. After getting terribly bashed on social media bilang isang anak na walang utang na loob sa kanyang tatay, Julia deserves a complete turnaround of events na papabor naman sa kanya, at least on her birthday.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …