Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo Pascual, last dance sa 18th birthday ni Julia

ni Pilar Mateo

020615 Julia Barretto Iñigo Pascual

FAMILY feud…no moe!

This is what the next showbiz debutante Julia Barretto shared nang matanong tungkol sa mga magiging kaganapan sa March 10, 2015 sa ballroom ng Makati Shangri-la when she embarks at that point in a girl’s life when she’s no longer a baby but a lady!

“I am really involved in the planning and preparation. Mula pa April last year. Kasi nga ayoko niyong kung kailan malapit na roon ka pa mai-stress. But now that it’s closer nai-stress pa rin ako. Now into the food tasting na, pictorial and stuff…

“Hindi siya colorful na theme. I opted for white, gray and silver. Call me an old soul. And kung may symbols makikita there, siguro horses. Because it can be very elegant and sophisticated.

“It will be titled ‘Just Julia’. ‘Am always associated with being a Barretto. Sa judgement sa akin na naiba na ang tingin sa akin. So I liked the idea na ‘Just Julia’ lang. It will showcase who I really am.”

Napag-usapan na sa apat na sulok ng showbiz ang pagbibigay niya ng invitation sa kanyang amang si Dennis Padilla.

At ayon kay Julia, wala ng petisyon para pa palitan niya ang apelyido. No need na raw. She will retain it na raw. At wala nga siyang hindi inimbita sa mga relative nila.

Noong una, she would have wanted to spend her birthday sa pag-galugad ng countries in Europe. Pero when the idea of a debut was presented to her eh, nagustuhan na rin daw niya.

“My Dad will be my first dance and Iñigo (Pascual) will be my last. He is a good friend of mine. In my entire life. Na para na kaming partners in crime. Hindi siya nanliligaw. And wala ako sa stage na ma-in love. Sa work lang. Joke!”

At kahit marami pa rin ang mga pasaway na ang daming sinasabi sa pag-uusap nila ng kanyang ama, this is what she has to say, ”I want to believe that the purpose of my debut is to achieve that wish in my heart to have that peace between (sic) everybody. For me to be more responsible and more mature.

“I can’t force things to happen. Parang hindi naman tama na magpilit ng mga tao to attend my debut. Importante wala akong kinalimutan sa kanila. If my tita Gretchen will celebrate her birthday din in London where Dominique is, anak niya ‘yun. Walang problema. Hindi naman ako mababaw para pagtampuhan ‘yun.”

At ang mga iniintriga sa kanyang sina Lisa Soberano at Janella Salvador na mga kaibigan naman pala niya at kasali nga ang dalawa sa kanyang 19 candles. Opo 19! Nag-siguro lang daw siya kung sakaling may biglang magkaroon ng mahalagang lakad.

At para mapanood at masaksihan ang importanteng araw sa buhay ng dalaga, mapapanood ito sa March 29, 2015 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN dubbed as Just Julia, Beautiful@18.

Pero suplada ang fans ni Julia. Bago pa man ang mismong debut ng dalaga, nagkaroon na sila ng party para sa kanilang idolo noong March 6.

Samantala, natuwa pala si Julia sa nasabi ng Dad niya na puwede na siyang ligawan basta huwag lang siyang sasaktan or else…

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …