Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasong graft isinampa ng PGA cars laban sa opisyal ng DTI

091014 ombudsman

ISANG kasong administratibo at kriminal ang isinampa ng PGA Cars sa Office of the Ombudsman laban sa Adjudication Officer ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Ronald Calderon, sabay ng hiling na agad suspendihin sa tungkulin ang inirereklamong opisyal sa paglabag sa Batas Republika 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inihayag ng PGA Cars, eksklusibong distributor sa Pilipinas ng Audi vehicles, nagpakita si Calderon ng “manifest partiality, evident bad faith, or gross inexcusable negligence” sanhi ng pagtangging isailalim sa inspeksyon ang sinabing depektibong sasakyan sa kabila ng hiling ng PGA na gawin ito.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong idinulog ng isang retired Col. Ricardo L. Nolasco sa DTI tungkol sa isang Audi A6 3.0 car na kanyang binili noong Mayo 30, 2014. Ilang araw lang mula nang bilhin ang Audi, ibinalik ito ni Nolasco sa PGA Cars dahil sa ilang depekto.

Base naman sa Batas Republika 10642, ang mga car companies ay binibigyan ng rasonableng oportunidad na tugunan ang anumang reklamo ng mga kustomer.

Sinabi ng PGA Cars, “ginawa nila ang lahat nang posibleng hakbang para matiyak na ang sasakyan ay nasa superyor na kondisyon” at isinailalim nila ito sa isang komprehensibong serye ng diagnostics tests. Makaraang mabigyan ng full clearance ng ilang PGA technicians, inabisohan umano si Nolasco na puwede na niyang kunin ang sasakyan. Ngunit tumanggi umano si Nolasco na kunin ang kotse, o ipadeliber ito sa kanya. Sa halip, iginiit ni Nolasco na palitan ito ng isang bagong unit o isauli sa kanya ang buong halagang ibinayad para sa sasakyan.

Sa yugtong ito pumasok ang DTI bilang adjudicator o tagapamagitan sa dalawang partido at si Calderon ang naatasang humawak sa kaso. Sa halos walong buwang itinagal ng kaso, ni hindi tiningnan o ininspeksyon ni Calderon o ng ahensya ang nasabing sasakyan.

“Ang buong kaso ay nag-uugat sa reklamo ni Nolasco na may mga depekto ang sasakayan, at iginigiit namin na hindi ito ganon,” ayon kay PGA Cars Corporate Director Amado del Rosario.

“Ang dapat sanang pinakauna sa kanilang adyenda ay inspeksyonin ang kotse at magsagawa ng isang independent testing and review. Iyon ang makatwiran at lohikal na dapat sana’y ginawa,” ani del Rosario.

Dahi sa kawalan ng kahit anong pisikal o teknikal na pagtataya ng DTI sa kondisyon ng sasakyan, naghain ang PGA Cars ng isang legal motion upang pormal na hilingin sa ahensiya na isailalim sa isang inspection at road test.

“Ang pangyayari na kinailangan pa namin magsumamo sa kanila na puntahan at tingnan ang sasakyan ay isa nang kabalighuan,” bigay-diin ni del Rosaryo. Aniya, “ang mga sumunod na kaganapan ay lagpas pa sa kabalighuan.”

Tinanggihan ni Calderon ang motion ng PGA at sinabi niyang ang “repair and roadworthiness” ng nasabing sasakyan ay “irrelevant and immaterial to the case.’’ Nitong Marso 4, inatasan ng DTI official ang PGA Cars na palitan ng isang bagong unit ang kotse ni Nolasco o ibalik sa kanya ang ibinayad dito, na may kasamang interes.

“Palagay ko, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na nagdesisyon ang isang consumer protection agency sa sumbong ng isang kustomer nang hindi man lang sinusuri ang inirereklamong produkto,” himutok ni Del Rosario. “Napakalinaw ng mga nakababahalang mga senyales para ipagwalang-bahala ng Ombudsman ang mga ito,” pagwawakas ng PGA official.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …