Monday , December 23 2024

Jolo ligtas na sa critical stage

jolo revilla

MAITUTURING na nalagpasan na ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang critical stage makaraan aksidenteng mabaril ang sarili nitong Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Revilla na si Atty. Raymond Fortun, sa huling resulta ng computerized tomography (CT scan), walang urgent condition sa kanyang lumaking tiyan at ang namagang mukha ay bahagi ng pagkakabaril sa baga.

Partially collapse pa rin ang magkabilang baga ng bise gobernador.

Bagama’t humina na ngunit may tumutulo pa rin dugo sa kanyang baga at aabot sa 860 cc na dugo ang huling natanggal.

Dahil sa patuloy na pagtulo ng dugo ay nakakabit pa rin ang isang chest tube para ma-drain ang dugo sa kanyang baga.

Lumabas din sa pagsusuri na na-fracture ang ika-lima at ika-anim na ribs ng nakababatang Revilla.

Gayonman, gumagana na rin ang kanyang digestive system at hindi na kailangang ibalik sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center.

Hinihintay na lamang ang paggaling ni Jolo para makapagbigay ng testimonya sa mga awtoridad at maharap ang kanyang trabaho.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *