Monday , December 23 2024

4-buwan power crisis simula ngayong Marso (Babala ng DoE)

072414 electricity brown out meralco doeLEGAZPI CITY – Inaasahan ng Department of Energy (DoE) ang pagnipis ng kanilang reserba lalo na ngayong summer season.

Dahil dito, hindi imposibleng makaranas ng power blackout o kaya’y power shortage sa mga susunod na linggo dahil sa matinding init.

Ayon kay DOE Energy Utilization Management Bureau Dir. Patrick Aquino, nakikita na ng kanilang ahensiya ang kakulangan sa suplay ng koryente sa bahagi ng Luzon kasama na ang Bicol Region.

Sa paliwanag ng opisyal, dahil sa manipis na reserba ng DoE, sakaling magkaroon ng pagbagsak ng ilan sa kanilang mga planta, idagdag pa ang sobra-sobrang paggamit ng koryente dahil sa tag-init, hindi malayo ang maitatalang brownout sa susunod na mga linggo.

“Buong region po ‘yung ating nakikita na ninipis po ‘yung ating reserba, at dahil po manipis ang ating reserba, meron po na kung may bumagsak na planta, mas malaki ang pagkakataon na magkaroon tayo ng brownout. ‘Pag tag-init, doble kayod ang takbo ng ating mga planta, kaya doble-doble ang nage-generate na koryente, kaya mas malaki po ang posibilidad na masira ang ating mga planta,” ani Aquino.

Aniya, sa mga oras na 10 a.m. hanggang 2 p.m., posibleng magkaroon ng hindi inaasahang brownout dahil ito ang mga panahon na mas malaki at mataas ang demand sa koryente ng mga consumer lalo na ngayon summer season base na rin sa projection ng kagawaran.

Sa projection ng DoE, simula ngayong Marso 15 hanggang a katapusan ng Hunyo mararanasan ang power crisis na magiging critical period para sa kagawaran.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *