Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hostage taker utas sa parak (Naalimpungatan sa ingay ng bata)

112514 crime scene

PATAY ang isang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan i-hostage ang isang batang babae nang maingayan sa pakikipaglaro sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang suspek na kinilalang si Charlito Rasonable, Jr., 37, welder, at residente ng 1697 Samaka St., Kapalaran, Litex Road, Commonwealth, Quezon City sanhi ng mga tama  ng bala sa katawan.

Habang nasagip ang batang ini-hostage na si Nadine Rosales, 7, naninirahan sa Phase 7C, Package 5, Block 17, Lot 26, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Batay sa ulat ni PO3 Rhyan Rodriguez, naganap ang insidente dakong 5:45 p.m. sa loob ng tinutuluyang bahay ng suspek malapit sa tinitirhan ng biktima.

Nakikipaglaro ang biktima sa kapatid niyang si Jenmar sa harapan ng kanilang bahay nang gumulong ang kanilang bola sa tapat ng tinutuluyan ng suspek.

Nang kukunin ng biktima ang bola ay bigla siyang dinakma ng suspek at sinabing “Wag kang maingay at papatayin kita, tingnan mo ‘yung bubong at gumagalaw na naman.”

Pagkaraan, ipinasok ng suspek ang biktima sa loob ng kanyang tinutuluyan at tinutukan ng patalim.

Mabilis na humingi ng tulong ang kapatid ng biktima sa mga kapitbahay na siyang tumawag ng mga pulis. 

Nakipagnegosasyon ang mga awtoridad sa suspek ngunit makaraan ang ilang oras ay hindi pa rin kumakalma si Rasonable.

Bunsod nito, nagpasya ang mga awtoridad na pasukin ang bahay na nagresulta sa palitan ng putok na ikinamatay ni Rasonable.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …