Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-aayos ng gusot ng mag-amang Dennis at Julia, dahilan ng away nina Greta at Marjorie

ni Ed de Leon

030215  Dennis Padilla Julia marjorie gretchen barretto

MALAKAS ang bulungan tungkol sa sinasabing tunay na dahilan ng hindi pagkakasundo ngayon ng magkapatid na Gretchen Barretto at Marjorie. Ang talagang dahilan, sabi ng sources ay ang comment daw ni Gretchen sa isang affair na naroroon ang anak ni Marjorie na si Julia at naroroon din ang ama ng bata na siDennis Padilla para magkita ang mag-ama at magkasundo.

Kung matatandaan ninyo, nagkaroon ng controversy diyan dahil sa inihaing petisyon ni Julia sa korte na humihiling na alisin na ang pangalan ng kanyang amang si Dennis sa kanyang pangalan, at makilala na lang siya bilang Julia Barretto. Ang ginagamit kasi niyang apelyido simula nang ipanganak siya ay Baldivia, na siyang tunay na apelyido ng tatay niyang si Dennis. Pumalag si Dennis sa petisyong iyon, at nagsabing kung nagkukulang man siya ngayon sa kanyang mga anak dahil wala siyang trabaho, hindi sapat na dahilan iyon para hindi na siya kilalanin. Iyong naging kasal naman nila ni Marjorie noon ay na-annul na. Hinabol din ni Dennis ang naging desisyon ng korte sa isa pa niyang anak dahil umano ay hindi niya nalaman ang tungkol sa petisyong iyon.

Palagay naman namin, walang masamang intensiyon si Gretchen. Gusto lang naman siguro niyang magkasundo-sundo ang pamilya. Maaaring nagkahiwalay na sina Dennis at Marjorie, pero hindi naman nangangahulugan iyon na dapat mag-away sila. Maaari namang may mga hindi sila napagkasunduan, naghiwalay na nga sila, napawalang bisa na ang kanilang kasal, parang pangit naman iyong nag-aaway pa sila. Pangit din naman talaga iyong aalisan mo ng lahat ng karapatan si Dennis sa kanyang mga anak, pati na ang kanyang pangalan.

Sa palagay namin, siguro nga dahil naisip naman ni Gretchen na siya ang mas nakatatandang kapatid, at sa totoo lang naman may panahong siya ang nagsuporta sa kanilang lahat, iyong kanyang comment na iyon ay parang “advice” lang. Hindi naman iyon “order”. Walang masama roon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …