Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ser Chief, from Jodi to Judy Ann

ni Pilar Mateo

022815 Jodi richard juday

THE chances he’s dealt with…

Salamat sa kaibigan niya. Sa rekomendasyon para sa kanya. At sa hindi nagbagong isip niya to go to that go-see para sa karakter ng ama ni Kim Chiu sa My Binondo Girl.

Nabiyayaan ang showbiz ng isang Richard Yap na nakilala bilang si Papa Chen at so Ser Chief.

Kahit may Melody na sa tabi ni Richars who keeps the music playing on their home front, blessed ang late-bloomer dahil suportado siya ng misis sa lahat ng ginagawa niya.

At kahit saglit napahintulutan kami ni Richard na silipin ang pribadong mundo nila ng kanyang partner.

Oh yes-sex life is active. 18 na ang panganay nila at 11 ang bunso. But they don’t see themselves having another baby.

“Focused kami in seeing them grow and be blessed with a good future. We’re okay na. We make it a point to enjoy that bonding time with the family. O kaya kaming dalawa lang ni Melody na friends namin ang kasama. The last time we did that was in Dubai. ‘Yung kasama ang mga bata was in HongKong.”

Bumabawi si Richard so that when that chance comes again for him to be busy eh, maiintindihan din ng kanilang mga anak.

From Jodi (Sta. Maria), he will be dealing with another J in the person of Judy Ann Santos sa isang kakaibang romance na may mai-involve nga bang pet dog sa “Someone to Watch Over Me”?

Sa ginanap na Thanksgiving Merienda Cena niya with the press, ipinakita na ni Richard ang look na pinaghahandaan niya na sana nga raw eh maaprub ng production when they start taping sometime in March.

Kung mas se-sexy si Richard in his scenes here with Juday ang siguradong aabangan.

All buffed in the right places—may pampakilig na namang aantabayanan sa Papa ng bayan!

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …