Monday , December 23 2024

BIFF ‘di natinag sa all-out offensive ng AFP

BIFF

HINDI natitinag ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa idineklarang all-out defensive na iniutos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Gregorio Catapang laban sa kanila.

Giit ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama, nakahanda sila sa puwersa ng militar.

“Para silang mga aso na tahol nang tahol hindi naman kumakagat. Marami na silang sinabi na opensiba, all out war, wala namang nangyayari dito. Matagal na itong uubusin pero silang nauubos e.

“Kung magkasalubong tayo, e di lalaban tayo. Inshaallah. Kung saan ang makabubuti sabi ni Allah, yun ang gagawin namin.”

Una nang naitaboy ng pinagsanib na pwersa ng militar, Philippine National Police (PNP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang BIFF sa boundary ng Pagalungan, Maguindanao at Pikit, Cotabato.

Sa kabila nito, kompiyansa si Mama na mahihirapan na ang mga sundalo na mahanap sila.

“Mahirap naman kaming atakehin, wala kaming kampo e. Kahit na saan kami nila hanapin, hindi nila kami makikita. Kung magtago kami kasi, nasa city kami, nasa poblacion, mag-merienda, magkape-kape. Kaya pagbalik nila sa mga checkpoint nila, patay kang bata ka.”

Nagmatigas din ang mga rebelde na ibalik ang mga baril ng PNP Special Action Force (SAF) troopers na nakasagupa sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Banta ng BIFF spokesperson, “Yung mga baril na narekober natin yun ang isauli natin, yung bala, hindi baril. Yung bala ibabaril namin sa kanila.”

Nanindigan ang militar sa pagsugpo sa mga rebelde.

Utos ni PNoy sa AFP

COLLATERAL DAMAGE IWASAN SA OPENSIBA

TINIYAK ng Malacañang na malinaw ang direktiba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa AFP na pangalagaan ang seguridad ng mga komunidad at iwasan ang pagkakaroon ng collateral damage sa civilian communities habang nagsasagawa ng opensiba laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mayroon nang na-displace na 3,000 pamilya o katumbas ng humigit-kumulang 15,000 katao sa Central Mindanao.

Ayon kay Coloma, puspusang kumikilos ang pamahalaan upang mabigyan sila ng kaukulang pagtulong at tiyakin ang kanilang maayos na kalagayan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *