Monday , December 23 2024

BIFF target pilayan ng AFP

BIFFTARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan.

Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. makaraan ilunsad ang all-out war defensive kontra sa armadong grupo.

‘’In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.’’ Partikular na puntirya ng AFP ang puwersa ng BIFF sa Maguindanao at Cotabato.

Tiniyak ng pamunuan ng AFP na naatasan na ang kanilang unit commanders na pairalin  ang ceasefire mecha nisms sa operasyon upang maiwasang makasagupa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) tulad ng nangyari sa Mamasapano, na ikinamatay ng 44 Special Action Force (SAF) troopers. 

Habang binanggit ni AFP Public Information Office chief, Lt. Col. Harold Cabunoc, nakatanggap sila ng ulat na tinutulungan ng BIFF na makapagtago ang teroristang si Basit Usman.

Matatandaan, natatag ang BIFF makaraan tumiwalag sa MILF ang dating commander na si Ameril Umbra Kato dahil sa pagtutol sa peace talks sa gobyerno. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *