Monday , December 23 2024

3 pusakal todas sa CSJDM cops (Sa Oplan Lambat Sibat)

Police Line do not crossBUMAGSAK na walang buhay ang tatlong lalaking sinasabing sangkot isa iba’t ibang criminal activities, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang inaaresto sa sinalakay na isang bahay sa hangga-nan ng bayan ng Norzagaray at ng Lungsod ng San Jose del Monte, sa Bulacan kahapon.

Ang pagsalakay ay isinagawa dakong 5 a.m. bilang bahagi ng ipinatutupad na malawakang kampanya ng pulisya na “Oplan Lambat-Sibat” laban sa gumagalang mga kriminal na naghahasik ng kanilang illegal na mga aktibidad sa maraming mga lugar sa Bulacan.

Sa inisyal na ulat na isinumite sa tanggapan ni Bulacan Police Director, Sr. Supt. Ferdinand Divina, bago nakalapit sa lugar ang isang grupo ng mga pulis ay sinalubong na sila ng bala ng mga suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng tatlong hindi pa nakilalang mga suspek.

Narekober mula sa pag-iingat ng napatay na mga suspek ang siyam na  iba’t ibang kalibre ng baril, 14 nakaw na motorsiklo, at ilang plastic sachet ng shabu.

Daisy Medina

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *