Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloc-9 at Daniel Padilla, magsasalpukan sa MYX Music Awards 2015

022715 gloc 9 daniel

00 Alam mo na NonieKABILANG si Gloc-9 sa nakakuha ng maraming nominasyon sa MYX Music Awards 2015 na gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura Premiere sa March 25. Kasama niyang nakakuha ng tig-lima o tig-apat na nominas-yon dito sina Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Julie Anne San Jose, James Reid, at Toni Gonzaga.

Nagpasalamat ang multi awarded rapper sa MYX sa pagsuporta sa mga artist na tulad niya. “Lagi kong sinasabi na I’m very-very thankful sa MYX sa pag-recognize sa mga trabaho namin. Sana’y huwag silang magsasawa sa pagsuporta sa amin,” pahayag ni Gloc-9 na ang tunay na pa-ngalan ay Aristotle Pollisco.

Ano’ng masasabi mo na lagi kang humahakot ng awards?

“Sobra-sobrang bait lang po talaga sa akin ng nasa Itaas at ng mga tao, dahil sa tiwala nila sa trabaho namin. And ang masasabi ko lang po ay sobra po akong nanliliit sa pagpapasalamat sa tiwalang ito and sana po ay masuklian ko ito ng mas mga bago pang trabaho in the future.”

Masasabi mo ba na ibang level ka na talaga, kasi si Daniel Padilla na ang katapat mo sa award? First time ba ito?

“Sa totoo lang hindi ko po matandaan. Pero lagi ko pong sinasabi kung mayroon man po talagang gusto ‘yung mga taong iboto, e, ako po ay all for that and wala po akong kompetisyon na nasa isip.”

Magkalaban sina Gloc-9 at Daniel sa kategoryang Favo-rite Artist. Ang iba pang nominees dito ay sina Julie Anne San Jose, Sarah Geronimo, at Yeng Constantino. Kasama rin sa nominees para sa Favorite Male Artist naman sina DJ at Gloc-9. Ang iba pang kapwa nila nomi-nado rito ay sina Abra, James Reid, at Jay R.

Sa tingin mo ba, sa estado mo ngayon ay malapit mo nang mapantayan si Francis M? “Never ko po yatang iisipin na ganoon, dahil wala pong magiging pa-ngalawang Francis M. Dahil nag-iisa lang ang Francis M. at lagi ko pong sinasabi na ako po’y tagahanga lamang ng rap music at ng musika and ako po’y mananatiling tagahanga lamang,” sagot sa amin ni Gloc-9.

Nabanggit pa ni Gloc-9 na hindi niya papangarapin kahit kailan na maka-level ang idolong Master Rapper, dahil para sa kanya, mananatili siyang alalay lamang ng kanyang idolo. “Mayroon po akong kantang isinulat na Alalay ng Hari, dahil ako po’y mananatiling alalay lamang (ni Francis M).”
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …