Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lourdes Duque Baron, tampok sa pelikulang Butanding

022715 Butanding

00 Alam mo na NonieMALAPIT nang matapos ang shooting ng international film na pinagbibidahan ng Hollywood Filipina actress/recording artist na si Ms. Lourdes Duque Baron. Pinamagatang Butanding, ito’y mula sa pamamahala ni Direk Ed Palmos. Kasama rin sa cast sina Lara Quigaman, Rey ‘PJ’ Abellana, Tessie Lagman, Norris John, Nash Marcos, Dhenz, at Miles Manzano.

Mula sa Amerika, dumating sa Pinas si Ms. Lourdes para sa shooting ng nasabing pelikula na ginawa sa bayan ng Iba, Zambales.

Ayon nga sa kasamahan sa panulat na si Charlie Lozo, ganado sa paggawa ng pelikula si Direk Ed at mas pinaganda raw nito ang Butanding kaysa huling movie nito na Ay Ayeng na pinagbidahan noon ni Heart Evangelista. Ang nasabing pelikula ay humakot ng awards at itinanghal na Best Director sa FAMAS si Direk Ed.

Sa shooting ng Butanding, pinabilib ni Direk Ed si Ms. Lourdes at ang mag-asawang Hollywood director/writer na sina Mr. and Mrs. Bayou na pumunta pa sa Pilipinas para i-document at i-feature ang shooting ni Direk Ed. Ito raw ang unang pagkaka-taon na ang isang Filipino movie director ay idinokomento at in-interview ng Hollywood director upang ipalabas sa Hollywood. May kurot sa puso ang naturang pelikula na tumatalakay sa pamilya at sa world famous Butanding, na sa Pilipinas lamang natatagpuan. Sabi nga nina ‘PJ’ at Lara, hindi na sila nagdalawang-isip na tanggapin ang project nang nabasa nila ang script nito.

Si Ms. Lourdes naman ay nagpahayag ng sobrang kagalakan sa first film niya rito sa Pilipinas at sa galing ng kanilang direktor.

Nakatakdang magkaroon ng premier this year ang nasabing pelikula sa iba’t ibang parte ng mundo gaya sa USA, Hollywood at Honolulu, Hawaii. Pati sa Japan, at iba pang bansa.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …