Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Niño, gusto ring matiyak ang pagsikat ni Alonzo

ni Ed de Leon

Niño alonzo Muhlach

UNANG nakita sa isang commerecial ng gatas si Nino Muhlach. Tapos napunta siya sa TV nang gawin siyang co-host ni Ariel Ureta sa Morning Show. Doon siya napansin ng hari ng pelikula na si FPJ at ipinatawag siya. Iginawa siya ng pelikula ni FPJ, na siya ang talagang bida. Sinuportahan siya ni FPJ talaga sa pelikula. Pagkatapos niyon superstar na si Nino.

Ano ang given factors? Iyon ang panahong napakatindi ng kasikatan ni FPJ. Talagang basta si FPJ ang bida makikita mo nanonood talaga ang mga tao. Wala pang video noon kaya talagang pumipila sila sa sinehan, nagtitiyaga mapanood lamang si FPJ. Tapos biglang may pelikula na ang talagang ginawang bida ni FPJ ay si Nino, ano ang tatanim sa isip ng mga tao noon?

Isang pelikula lang ang ginawa nina FPJ at Nino, sumikat siya nang husto. Iyon ang isang malaking disadvantage ni Alonzo, nang dumating siya sa showbusiness wala na si FPJ, at walang star na kasing laki at kasing sikat ni FPJ sa ngayon. Kaya kung pag-aaralan mo, mas matindi ang challenge kay Alonzo ngayon kaysa kay Nino noon.

Matapos na gawin ang pelikula kasama ni FPJ, talagang siniguro ng tatay niya at tiyuhin niyang si Cheng Muhlach na maaalagaan ang career niya. Nagtayo sila ng sariling film company, iyong Wonder Films, at sila ang nag-produce ng mga pelikula ni Nino. “Kasi kung kami mapapahaba namin ang career niya, eh kung iba ang producers ang mahalaga lang siyempre ay kumita. Eh kasi gusto namin tumagal si Nino, eh alam namin ang mga child stars sandali lang iyan eh,” sabi pa nga ni Cheng.

Iyon ang plano nila ngayon kaya sila pumirma ng kontrata sa Viva, kasi sa usapan daw nila ay consultant si Nino sa mga gagawing pelikula ni Alonzo. Mayroon siyang say at maaari pang siya ang magdirehe ng pelikula ng kanyang anak. Kaya maski si Nino ay nagsabi ng, “wala na kaming makukuhang offer na kasing ganda ng naging offer ng Viva”.

Ang advantage ni Alonzo, may backings din siya ng ABS-CBN, dahil may mga TV project na rin siya roon. Pero ano nga ba ang susunod niyang gagawin? Iyan ang kailangang makita natin.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …