Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Chiz at Heart, bakit pinayagang isagawa sa isang isla?

 

ni Ed de Leon

022615 chiz heart

KATOLIKO kami, obvious naman siguro iyan. Pero inaamin namin, may mga pangyayari sa aming simbahan na hindi namin nagustuhan lately. Una, iyong naging pagpapasa-pasa ng banal na eukaristiya noong magmisa ang Santo Papa sa Manila Cathedral. Bawal iyan sa batas ng simbahan, bakit pinayagan?

Mayroon na namang sumunod, bawal iyang kasal sa mga garden at sa mga beach, dahil ang pagdiriwang ng mga sakramento ay dapat ginaganap lamang sa isang banal na dako, sa mga simbahan. Bakit ikinasal ni Bishop Arturo Bastes ng Sorsogon at naroroon pa rin ang kasama niya sa SVD na si Fr. Jerry Orbos sa isang resort? Ang Balesin ay nasa Polilio Island, at nasa ilalim ng Diocese of Infanta. Kung sinasabing may dispensation ng obispo ang kasalan, talaga bang pinayagan ni Bishop Bernardino Cortez ng Infanta ang kasalang iyon? Kung totoo, ano ang dahilan at nagkaroon ng dispensation?

Kailangang maipaliwanag natin iyan dahil marami na ang nag-iisip na may double standards na rin sa ating simbahan. Ayaw naming mangyari iyan. Pero isang katotohanan na may mga bagay na ganyan kaya dumarami ang mga nagiging born again, o sumusunod kay Ka Eli Soriano.

Iyan nakita natin iyan dahil showbusiness iyan, pero masasabi mo bang wala nang ibang nangyayaring ganyan ng hindi lang natin nalalaman?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …