Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 Da Best + 1 artists, walang problema sa billing

022615 4 Da Best +1

00 SHOWBIZ ms mTILA hindi komporme si Candy Pangilinan sa gustong ipakahulugan na may issue silang apat nina Ate Gay, Gladys, at Ruffa Mae Quinto sa billing ng show nilang 4 Da Best + 1 na gaganapin sa March 13 & 14, Music Museum, 8:00 p.m..

May kumukuwestiyon kasi kung paano raw ginawa ang billing ng apat? Idinaan daw ba ito sa seniority o pagalingan? Ang dapat daw kasing billing ay Candy, Gladys, Ate Gay and Ruffa Mae at hindi Candy, Ate Gay, Gladys, and Rufa Mae. Okey na raw ‘yung kay Rufa Mae dahil may and, samantalang dapat daw ay nauna si Gladys kay Ate Gay.

Anyway, ayaw nang patulan ng apat ang ipinupukol na intriga basta ang mahalaga sa kanila ay ang makapagpasaya sa March 13 at 14.

Ayon kay Mamu Andrew De Real, director ng show, tiyak na masisiyahan ang sinumang manonood ng show nila dahil punumpuno ito ng katatawanan at magandang musika.

Sa totoo lang, hindi na namin mabilang kung pang-ilang 4 Da Best +1 concert na itong magaganap sa March 13 at 14. Mga artista o singer lang ang napapalitan. Pero ang show, tuloy-tuloy na tinatangkilik.

At bilang patunay, bukod sa Music Museum, dadalhin pa ang 4 Da Best +1 sa ilang probinsiya at sa abroad.

Kaya kung gusto ninyong sumaya, watch na ng 4 Da Best + 1 sa Music Museum. Ito’y mula sa musical direction ni Soc Mina. Tickets prices—VIP P2,500, Patron P2,000, Balcony P1,500.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …