Monday , December 23 2024

Piskal muntik magantso, 2 arestado

040314 prisonLAKING pasasalamat ng isang prosecutor sa Makati at hindi pa na-encash ang P300,000 na nagantso ng dalawang suspek sa kanyang misis na prosecutor din sa Office of the Ombudsman, nang abutan ang dalawang salarin sa loob ng banko habang naghihintay na tawagin ang kanilang numero kahapon ng umaga sa Maynila.

Nakadetine na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang mga suspek na sina Marlon Villanueva, 45, ex-policeman, ng Lot 11, Blk. 5, Acacia St., Old Balara, Diliman, Quezon City; at Oliver Canete, 36, negosyante, ng Blk. 10, Lot 7, San Lorenzo Village, Davao City, kapwa nahaharap sa kasong  estafa thru misrepresentation.

Ayon sa reklamo ni Makati City Senior Asst. City Prosecutor Andres Marcos kay PO3 Adonis Aguila, imbestigador ng MPD-GAIS, nagoyo ng dalawang suspek ang kanyang misis na si Luz para bumili ng mga bara ng ginto.

Nang malaman ito ni Marcos ay nakapagbigay na ang kanyang misis ng tseke ng PNB sa United Nations Avenue kaya hinabol niya ang mga suspek.

Agad siyang humingi ng tulong kay PO3 Francisco Alba at tinungo nila ang dalawang suspek na noon ay nakaupo sa loob ng banko at naghihintay na tawagin para ma-encash na ang tseke.

Sa puntong ito, inaresto ni Alba ang mga suspek at binitbit patungo sa MPD-GAIS.

Sa panig ng mga suspek, itinanggi ng dalawa ang alegasyon laban sa kanila.

“Personal kong inutang itong P300,000 kay Piskal, meron kaming deal na mag-i-invest siya ng negosyo sa Davao, networking ito, herbal products at may kontrata kaming pipirmahan, legal ito,” depensa ni Canete.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *