Sunday , December 22 2024

Gov’t sinisi sa perhuwisyong MRT vs mananakay (Bistado na kayo)

FRONTDAPAT umamin at tigilan ang pagtuturo sa kakarag-karag na MRT at paulit-ulit na pagtirik nito.

Ito ang pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon kahapon sa mga pinuno ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at ng MRT sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso hinggil sa problemang bumabalahaw sa mga takaw-aksidenteng tren ng MRT.

“Pagpapabaya ng gobyerno ang dahilan kung bakit nagkakadisgrasya sa MRT,” ayon kay Ridon.

Isinisi ni Ridon sa tinagurian nitong “kultura ng pagtuturo” ng Administrasyon sa kabiguan ng gobyernong solusyonan ang mga isyung bumabagabag sa MRT na nagbunsod sa panukalang limitahan ang operasyon nito tuwing Sabado at Linggo.

Kinompirma ni MRT General Manager Ramon Buenafe na ang pansamantalang pagtigil ng operasyon sa mga araw na ito ay inaprubahan na ng DOTC. Ang nasabing panukala ay nangangahulugang ititigil nang maaga ang pagtakbo ng mga tren ng MRT tuwing Sabado at itutuloy na lamang pagkatanghali ng Linggo o alas dose ng sumunod na araw.

“Noon pa dapat bumili ng mga bagong riles at mga bagong bagon ang gobyerno. Bulok na ang buong MRT, mula sa tren hanggang sa riles. Noon pa dapat pinalitan o imantine ang matagal nang dapat isinailalim sa rehabilitasyon ng gobyerno mismo.”

Binigyan ng limang taon ang administrasyong Aquino upang isaayos ang MRT ayon sa mambabatas mula sa oposisyon, “Dahil sa kabiguan ng gobyernong ayusin noon pa ang serbisyo ng MRT, tanging gobyerno ang may sala sa kalbaryo ng kalahating milyong mananakay ng MRT araw-araw.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *