Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie, sobrang nadehado kay Benjie

ni Alex Brosas

022515 jackie benjie

MARAMI ang naawa kay Jackie Forster dahil sa latest revelations nito sa social media.

Sa kanyang Instagram post ay idinetalye ni Jackie ang hirap na pinagdaanan niya sa kamay ni Benjie Paras nang magsama sila.

At fifteen ay na-in love si Jackie kay Benjie at nabuntis. Nakakaloka ‘yung chika niyang ipinasama siya ni Benjie sa game practice nito kahit na mayroon na siyang contractions at manganganak na. Tatlong oras siyang naghintay sa kotse bago pa siya dinala sa ospital ni Benjie.

Nang manganak naman siya sa US ay wala si Benjie dahil mayroon itong importanteng game. Hindi rin ito sumunod nang manganak na siya at nang bumalik siya sa Pilipinas ay mayroon siyang lagnat pati na rin ang baby niya and Benjie did not bother to bring them to the hospital.

Ang daming nakisimpatya kay Jackie after her post.

“Hirap din naman ng pinagdaanan niya. She had 2 kids during her teens, and whatever else might have gone wrong in their relationship mas dehado pa rin siya kasi siya na ‘yung menor de edad siya pa ‘yung walang kasama. I hope she finally fixes things with her two grown sons. I just think the two boys are uncomfortable that all these matters are being aired so publicly,” sabi ng isang nagmamalasakit kay Jackie.

“You can’t feel Jackie’s pain if you aren’t a mom yourself. I feel her pain… kung pabaya naman siyang ina eh ‘di sana hinayaan at kinalimutan na lang niya ang mga anak niya. But the thing is, she’s not like that. She fought hard for her sons (and lost)…. sino bang nanay ang gusto na tumanda ang mga anak niya na may galit sa kanya? Sobrang sakit non,” sabi naman ng isa pa.

“Swerte pa nga si Benjie at di siya kinasuhan ng nanay ni Jackie. In-love lang talaga si Jackie sa kanya kaya ipinaglaban sya…. pero si Benjie naman, being 25 then and still considered young, hindi rin naalagaan ng tama ang relationship nila,” say naman ng isa na tama naman.

“Jackie was 15 when she got pregnant, minor pa at puwede nga siyang kasuhan ng madir ng aktres noon,” paniwala naman ng isa.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …