Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2-anyos nene patay sa stray bullet ng pulis

FRONTPATAY ang isang 2-anyos nene3 makaraan tamaan sa ulo ng ligaw na bala mula sa baril ng isang pulis sa Pasig City kamakalawa.

Ipinaputok ng pulis na si PO3 Reynante Cueto ang kanyang baril nang barilin sa ulo ng dalawang armadong lalaki ang kanyang kapatid na si PO2 Jason Cueto malapit sa kanilang bahay.

Naganap ang insidente dakong 8 a.m. habang tinutulungan ng nakababatang Cueto ang kanyang inang si Leonila sa paghahanda ng ititinda nilang dumplings.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang lalaki ang lumapit kay Jason saka binaril siya sa ulo. Kritikal ang kanyang kondisyon sa Rizal Medical Center.

Tinutugis na  ng pulisya ang mga suspek na kinilalang sina Dumantog Buratong at “Itlog” ng Magdalena Compound, na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ngunit ang nakatatandang Cueto, ay naging emosyonal kaya pinaputok ang kanyang baril.

“Medyo dala ng… kanyang  damdamin,  medyo nagpaputok siya,” pahayag ni barangay executive officer Bobot Enriquez.

Anim beses na nagputok ng baril ang nakatatandang Cueto at pagkaraan ay humingi ng tulong ang ilang residente para sa 2-anyos na tinamaan ng ligaw na bala.

Isinugod ang paslit sa ospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …