Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, kinikilig daw kina Kathryn at Daniel

ni AMBET NABUS

022415 gabby concepcion kathniel

WINNER na rin lang ang pinag-uusapan, bonggang panalo ang sagot sa amin ninaDaniel Padilla at Kathryn Bernardo sa naging tanong namin.

“Sa tingin ba ninyo ay mapapantayan o mahihigitan ninyo ang kinita ng last movie ninyo lalo pa’t ang ‘Crazy Beautiful You’ ang lumalabas na parang big Valentine movie (kahit post offering na) ng Star Cinema?,” tanong namin mareh.

“Siguro naman po. Sisikapin po namin,” sey ng mga labs naming KahtNiel hahaha!

Bukod daw kasi sa ibang-iba ang roles nila eh sadyang bago at una sa paningin ng mga moviegoer ang ganda ng mga locations nila, partikular ang Mt. Pinatubo sa Zambales.

Kung naging monster hit nga ang Mayon Volcano-backdrop love story nila sa She’s Dating a Gangster, dito daw sa Crazy Beautiful You ay madodoble dapat ‘yun.

“Una po, we’re getting more matured at mas close kami. Gamay na gamay na namin ang isa’t isa at masaya pang katrabaho sina direk Mae (Cruz-Alviar),” sey ni Katryn.

Segue naman ni Daniel, ”at mas masaya kaming magkasama. Mas malalim at mas mararamdaman ng manonood ang lahat sa movie.”

Sa Crazy Beautiful You ay makaka-triangle ng KathNiel si Inigo Pascual na umaming kilig na kilig sa dalawa. Kasama rin nila sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion na umamin ding nagta-transform ang dalawa kapag nasa screen na.

Sey nga ni Gabby, ”marami akong naaalala sa kanila. Noong time namin ni Sharon (Cuneta), noong nasa ganyang edad kami, ako mismo kinikilig. I just advise them na go on, carry it on, enjoy and be happy together.”

Showing na ngayong Feb. 25 ang pelikula!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …