Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

8 th International Language & Culture Festival, isasagawa na sa Marso

Print

PARA sa karamihan ng mga Asyano at maging sa mundo, ang bansang Turkey ay isang misteryoso at kamangha-manghang lugar, magkahalong bago at lumang mundo at isa sa mga paboritong lugar ng mga turista buhat sa iba’t ibang bansa. Ito ay sinakop niAlexander the Great at naging tahanan ng mga sinaunang sibilisasyong Anatolian,Aeolian, IonianGreeks, Thracians, at Persians.

Ang International Festival of Language and Culture (IFLC) ng Cultural Center of Turkey ay ang pinakamalaki at pinaka-prominenteng samahan para sa promotion ng world languages and cultures. Ito ay dedicated to cultivate and educate the youth and create a platform to share their cultural heritage sa lahat ng kabataan sa buong mundo. Ang International Festival of Language and Culture ay isang annual celebration at showcase para sa pagkakaiba-iba ng linguistic talents mula sa maraming bansa. Ang misyon ng IFLC ay maging resource at advocate for the value of diversity and inclusion.

Ang IFLC ay isang annual international celebration na nagsimula noong 2003 na sinalihan ng 17 bansa lamang nguni’t ito ay lumago at dumami kaya’t noong isang taon sinalihan na ito ng 145 bansa mula sa limang continents na dinaluhan ng mahigit sa 2000 participants. Ang IFLC ay nakasentro sa pag-promote ng research, learning, at information exchanges in support of peace, friendship, and understanding. Ito ay naglalayong bigyang suporta ang mga kabataang estudyante mula sa iba’t ibang parte ng mundo sa pag-aaral at pagtuklas sa Turkish language. Binibigyan din sila ng pagkakataon upang i-promote ang kani-kanilang mga kultura sa global community. Noong nakaraang taon, nagtanghal ang mga kabataan mula sa international community sa 99 road shows sa 55 cities ng Turkey na ang Pilipinas ay nakapag-uwi ng isang bronze medal.

Kaya sa kaunahan-unahang pagkakataon, ang 8th International Language & Culture Festival pre-qualifications na sponsored ng Turkish Cultural Center sa pakikipagtulungan sa Integrative Center for Alternative Development (ICAD) Foundation sa Manila at co – organized ng Pacific Dialogue Foundation, Inc. (PDF) ay gaganapin sa March 3, 2015 sa Resorts World Hotel Manila at ang lahat ay malugod na inaanyayahang manood at makilahok dito.

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …