Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 MMDA personnel sinibak sa katiwalian (23 suspendido)

mmdaTATLO pang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sinibak habang 23 ang suspendido kaugnay sa pagkakasangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, napatunayan sa kasong extortion o pangingikil, grave misconduct, at gross neglect of duty, kaya tinanggal ang tatlo niyang tauhan.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi isinapubliko ang pangalan ng tatlong sinibak na pawang mula sa Traffic Discipline Office (TDO) ng ahensiya.

Habang ang 23 tauhan ay suspendido ng 15 hanggang 90 araw dahil sa ilang katiwalian  na kinasangkutan tulad ng extortion activities, questionable issuance of traffic violation receipts, misconduct, grave abuse of authority, insubordination, violation of office rules, at bigong pagdalo  sa buwanang  formation.

May 50 pang inisyuhan ng  warnings at reprimands dahil sa ilang paglabag at may ilan ding sinampahan ng pormal na kaso.

Nilinaw ni Tolentino, ang mga nasangkot nilang tauhan sa mga katiwalian ay pawang dumaan sa due process at masusing imbestigasyon ng Administrative and Legal Departments ng MMDA.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …