Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, lagi lang daw nami-misunderstood

080914 xian lim

00 fact sheet reggeeKUNG maraming nakisimpatiya kina Albay Governor Joey Salceda at chief of staff niyang si Atty. Carol Sabio-Cruz laban kay Xian Lim ay may ilang showbiz personalities naman ang nagtanggol sa tsinitong aktor.

Ayaw ipabanggit ang kanilang mga pangalan para walang isyu at baka raw hindi na sila maimbita sa Albay para i-promote ito, ha, ha, ha, ha nagawa pang magbiro ng mga lekat.

Anyway, sa panig ng kilalang aktor na may serye ngayon, ”naniniwala ako na hindi lang sila nagkaintindihan ng staff ni Governor Joey, alam mo naman si Xian baka hindi lang naipaliwanag sa kanya masyado siguro maraming tao, hindi niya narinig. Minsan kasi ‘di ba kapag pumupunta tayo sa probinsiya, maraming tao sa paligid, maraming nagpapa-picture habang kausap ka ng taong in-charge sa pagdating mo, so hindi mo masyado naiintindihan kasi ang focus mo sa tao. Feeling ko ganoon lang naman.”

Katwiran din ng isa pang aktor na nakakasama ni Xian sa out of town/country shows,”alam mo okay si Xian, lagi lang talagang misunderstood, kami rin noong una nagka-clash kasi nga diretso magsalita, minsan wala lang sa kanya, dapat ipaliwanag mong mabuti.”

Sa madaling salita, mahina ang pick-up ni Xian kaya hindi niya kaagad naiintindihan? Parang mas pumangit yata ang imahe ng aktor?

Sabagay, napapansin namin minsan sa interview kapag tinanong si Xian on the spot, matagal bago siya makasagot at minsan ay pinauulit niya o kaya namamali ang sagot at saka ulit niya ipaliliwanag.

Ang paliwanag naman ng kilalang talent manager tungkol sa isyung ito, ”the artists should be brief before he arrives at a certain venue, sop na ‘yun. At dapat alam ng artista kung anong purpose ng pagpunta niya sa isang lugar.

“Ako kasi lahat ng handlers or road managers ko, alam na nila ang gagawin nila kapag may mga show o lakad sila, even sa TV guestings, dapat mag-set ka ng rules kung ano ‘yung puwede at hindi puwedeng gawin para klaro rin naman sa part ng promoter or producer para iwas isyu o gulo. Sa case ni Xian, feeling ko nga, hindi nagkaintindihan kasi dumiretso sa kanya.”

Sabagay, nakailang beses na rin kaming nagdadala ng mga artista sa out-of-town at wala namang isyung ganito na ang kadalasang problema ay minsan naka-cut short ang tsikahan o motorcade dahil gusto na nilang magpahinga.

Pero ‘yung picture takings, pagsusuot ng t-shirt, o courtesy call sa mga kinauukulan ay check lahat dahil kami mismo ang nagsasabi sa mga artistang nadala namin na kailangan nilang gawin iyon at okay naman sa lahat.

Ang tanong, paano mahihilot ni Xian Lim ngayon ang mga taga-Albay?
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …