Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasimuno ng ‘Oust PNoy’ ‘di sasantuhin (Banta ng Palasyo)

121014 pnoyNAGBABALA ang Palasyo na hindi sasantuhin ang mga nagpapakana nang pagpapatalsik sa administrasyong Aquino para palitan ng transition government bunsod ng Mamasapano incident.

Ipinamahagi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang kalatas ni Justice Secretary Leila de Lima na tumalakay sa mga isasampang kaso laban sa mga pasimuno ng National Transformation Council (NTC), gaya ni dating National Security Adviser Norberto Gonzales.

Ani De Lima, ang pagsusulong nang pang-aagaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng people power ay malinaw na sabwatan para maglunsad ng rebelyon at pagsusulsol para magsagawa ng sedition at illegal assemblies, alinsunod sa ilang probisyon ng Revised Penal Code.

Giit niya, ang panawagan ni Gonzales para sa people power at pagsuporta ng militar upang igiit ang pagbibitiw ni Pangulong Benigno Aquino III para bigyang daan ang isang junta ay labag sa batas.

Binansagan ni De Lima ang mga kasabwat ni Gonzales bilang mga walang kredibilidad na opisyal ng pamahalaan na akusadong plunderers, grafters, at tax evaders, at iba pang iniimbestigahan sa kahalintulad na krimen.

“The government will not relent in applying the full force of the law against
them in order to protect the people and the State from an unconstitutional and illegal power grab,” aniya pa.

Binigyang diin niya na hindi magtatagumpay ito dahil ang militar ay hindi susuportahan ang pagluluklok ng isang junta na pangungunahan ng “GMA bishops and ex-officials.”

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …