ni Roldan Castro
PANALO ang nakaraang presscon ng PLDT KaAsenso para sa showbiz press dahil nagpa-raffle sila ng apat na units ng Cyberya negosyo package, ang all-in-one internet café package.
Masuwerteng nabunot sina Emy Abuan, Glen Sibonga, Ricky Gallardo, at Rowena Agilada.
Kamakailan ini-launch ang naturang produkto ng PLDT nina Regine Tolentino and Amy Perez na mga entrepreneur din bukod sa pagiging artista.
Sey ng PLDT Vice President and Head of Home Management na si Mr. Gary Dujali, talagang tailor-fit ang PLDT KaAsenso sa needs ng minigosyantes at microentrepreneurs na gustong mapabuti pa ang buhay
”Filipinos are naturally very resourceful and they really find creative ways to provide for their family. The role of PLDT KaAsenso is to provide them with simple yet innovative and affordable technology solutions so they can be more efficient and productive leading to a better family life,” sambit pa ni Mr. Dujali.
Ang minigosyo package Plan 1888 ay may hi-speed internet up to 3 mbs., PLDT landline at PLDT store watch. Another PLDT KaAsenso service is Wi-fi zone.
Ka-partner ng PLDT KaAsenso ang Eat Bulaga para magbigay din ng libreng package sa mga mamamayan sa pamamagitan ng Juan for All, All for Juan segment at dahil dito ay mas naging aware ang mga tao sa nasabing negosyo package.
“We’re very happy with the initial outcome of this partnership that allowed us to reach out to people who could really benefit from PLDT KaAsenso Cyberya.
“Our vision is to give every Filipino the opportunity to start his own business with utmost convenience,” bulalas pa ni Mr. Dujali.