Sunday , December 22 2024

Armas ng SAF ibinalik ng MILF

SAF firearmsBILANG pagtupad sa pangako sa Senado, ibinalik na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kinuhang armas mula sa naka-enkwentrong mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano.

Sa joint press conference sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga, iprinesenta ng MILF peace panel ang mga narekober na baril sa Government of the Philippines (GPH) peace panel.

Umabot sa 16 high powered firearms ang ibinalik ng MILF kabilang ang 14 M4 carbine at dalawang squad automatic weapon.

Dumalo sa panig ng pamahalaan sina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita “Ging” Deles at GPH chief peace negotiator Miriam Coronel-Ferrer. Naroon din si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gregorio Catapang at ilan pang opisyal ng militar.

Giit ni Ferrer, “Sa ngalan ng prinsipyo at paniniwala sa mas mataas sa ating lahat, para sa peace process, kaya nangyari ang araw na ito… 16 1/2 firearms ang andito ngayon at lahat ‘yan verified.”

Para sa panig ng MILF,  iginiit ni chief peace negotiator Mohagher Iqbal sa pagsasauli ng armas na: “The MILF is willing to travel the extra mile for the peace process to succeed.”

“Kung may natitira pa (SAF weapons at personal effects) sa MILF, hahanapin po namin ‘yan.”

Dadalhin sa Maynila ang mga armas para i-turnover kay Board of Inquiry at CIDG chief Benjamin Magalong.

Pagbabalik ng armas ‘di sapat — Palasyo (Para maipakita ang sinseridad ng MILF)

KULANG pang pruweba ng kanilang sinseridad sa prosesong pangkapayaan ang pagsasauli ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng 16 armas ng mga tropa ng Special Action Force (SAF) na napatay sa enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang pahayag ng Palasyo kahapon makaraan isurender ng MILF ang 16 armas ng Fallen 44 sa mga kinatawan ng government peace panel at kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Gregorio Pio Catapang sa 6th Infantry (Kampilan) Division sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

“Ang pagsauli ng mga armas ay bahagyang tumutugon sa naunang panawagan ni Pangulong Aquino na magpakita ng kongkretong katibayan ang MILF (Moro Islamic Liberation Front) na sila ay maaaring pagkatiwalaan bilang katuwang ng pamahalaan sa prosesong pangkapayapaan,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Hinihintay pa aniya ng pamahalaan ang mas kongkretong patunay tulad  nang pagtulong o ‘di pagharang sa pagtugis at pagpapanagot kay Basit Usman; ang pagkilala at pagpapanagot sa mga sangkot sa pagpaslang sa mga bayaning SAF 44; at ang pagsauli ng lahat ng iba pang armas at kagamitan na inagaw mula sa sa SAF 44.

Binigyang diin ni Coloma, kung hindi matutupad ng MILF ang tatlong kondisyon ay  nangangahulugan lang na hindi ganap ang kanilang kooperasyon o pakikiisa sa pamahalaan.

Lagi aniyang magkaugnay ang ginagawang mga aksyon ng MILF bunsod ng Mamasapano incident at ang prosesong pangkapayapaan.

Rose Novenario

Gamit ng SAF 44 dapat din ibalik — Recto (Bukod sa armas)

HINIMOK ni Senador Ralph Recto ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibalik din ang personal na mga kagamitan ng napaslang na 44 Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

Ito ay makaraan ibalik ng grupo ang mga armas na nakuha mula sa namatay na mga tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Recto, mas mahalaga sa bawat pamilya ng napaslang na PNP-SAF ang pagbawi ng mga personal na kagamitan ng kanilang mahal sa buhay.

Kabilang sa mga nais ni Recto  na ibalik  ng MILF ay wallet na naglalaman ng mga pera at family photos ng bawat napaslang, cellphone, damit, relo, wedding rings at iba pa.

“Sana maisauli din ang personal effects ng SAF 44 tulad ng cellphone, relo, wedding rings, pitaka na naglalaman ng mga litrato ng kanilang mga mahal sa buhay. Iba kasi ang pag-aari ng gobyerno na na-issue sa kanila at ang kanilang personal na kagamitan. Para sa mga naulila, mas mahalagang maibalik ito sa kanil,” ani Recto.

Niño Aclan

P110K bawat pamilya ng SAF 44 ibinigay ng Makati

IPINAMAHAGI kahapon ng pamahalaang lungsod ng Makati ang halagang tig-P100,000 bilang pinansiyal na ayuda sa mga kaanak ng 44 miyembro ng Philippine National Police, Special Action Force (PNP-SAF) commandos na brutal na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, habang inaaresto nila ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alias Marwan.

Nagtungo ang mga kaanak ng tinaguriang Fallen 44 sa tanggapan ng Makati  City  Hall  at  pormal nilang tinanggap ang naturang halaga mula kina Vice President Jejomar Binay,  Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima  at Makati City Mayor Jun Jun Binay.

Ang pag-aabot ng pinansiyal na ayuda ay isinagawa sa simpleng seremonya sa Session Hall ng Makati City Hall.

Bukod sa pinansiyal na ayuda, iginawad din sa 44 PNP-SAF commandos ang parangal para sa kanilang naging kabayanihan dahilan upang magbuwis ng kanilang buhay sa brutal na pamamaraan, at ang naturang parangal ay tinanggap ng kanilang mga kaanak.

Iginawad din ng pamahalaang lungsod ng Makati sa mga kaanak ng mga namatay at sugatang biktima ang scholarship sa University of Makati. Maaaring makapag-aral sa nasabing unibersidad ang kanilang mga anak at kapatid.

Ang ipinamahaging pinansiyal na ayuda, scholarship at parangal ay bilang pagkilala  ng Makati City government sa SAF 44.

Manny Alcala

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *