Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

HOOQ at Globe, nagsanib-puwersa

globe hooq

00 SHOWBIZ ms mISANG magandang balita ang inihatid kamakailan ng Globe Telecom, ito ay ang pagsasanib-puwersa nila ng Hooq, na binubuo ng Singtel, Sony Pictures Television, at Warner Bros. Entertainment. Sa pamamagitan nito’y magkakaroon na ng pagkakataong makapanood ng unlimited online streaming access at offline viewing ng mga top Hollywood at Filipino movie at television content ang mga Globe subscriber.

Tinatayang maaari nang makapanood ang mga Globe subscriber ng may 10,000 movies at television episodes at TV shows kasama na ang mga pelikulang mula sa Sony at Warner Bros. Puwede na nilang mapanood ang mga pelikulang tulad ng Harry Potter, Spide-Man, o Inception at ma-enjoy din ang mga popular TV series tulad ng Gossip Girl, Friends o Smallville.

Kahit ang mga local channel tulad ng GMA, ABS-CBN, Viva Communications, Regal Entertainment na palabas nila o pelikula ay mapapanood na rin.

“Across the emerging economies, people have amazing stories and love stories. However, a few billion people have no quality way of sseing the best stories from Hollywood or their local market. Hooq will change that. Hooq will change the way people in emerging markets consume and enjoy entertainment,” ani Hooq chief executive officer, Mr. Peter G. Bithos.

At dahil mahalaga raw ang consumer sa Globe Telecom, binibigyan nila ng pagkakataon ang mga consumer para ma download ang HOOQ na available sa lahat ng customers na may plan-based service na magkakahalaga lamang ng P199 per month para makapanood ng libo-libong pelikula. Kung tutuusin mas mura pa raw ito kaysa laging panonood ng pelikula sa mga sinehan. Io-offer din ito sa mga bundled service tulad ng GoSurf at Tattoo broadband services.

Para sa ibang katungan, maaaring magtanong sa Globe o bisitahin ang www.globe.com.ph.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …