Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos dalagita pinatay saka itinapon ng rapist sa damuhan

112514 deadNAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita na unang iniulat na nawawala makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat na nakalap sa Marilao police, kinilala ang biktimang si Analyn de Guzman, 15-anyos, out of school youth, at residente ng Brgy. Lambakin, sa naturang bayan.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa madamong bahagi sa nabanggit na barangay, at tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa panimulang im-bestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na kasama ang dalawang kaibigang babae habang nakikipag-inoman sa mga suspek noong Pebrero 12.

Pagkaraan ay umalis ang mga suspek kasama ang biktima habang naiwan ang dalawang babae sa lugar.

Ngunit magmula noon ay hindi na natagpuan ang biktima hanggang matagpuan ng isang residente ang naaagnas na bangkay sa damuhan sa loob ng Bordador Compound.

Ang biktima ay na-tagpuang walang saplot na pang-ibaba senyales na posible siyang ginahasa bago pinatay.

Positibong kinilala ng pamilya ang biktima dahil sa suot na relos, jacket, tsinelas, kulay ng bra at ang tali sa buhok bago umalis ng bahay.

Pansamantalang hindi muna pinangala-nan ng pulisya ang mga suspek habang isinasagawa ang follow-up ope-ration sa naturang kaso.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …