Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-DND Chief Gonzales utak sa destab plot (Ayon kay Trillanes)

norberto gonzalesTINUKOY ni Sen. Antonio Trillanes IV si dating Defense Secretary Norberto Gonzales bilang nasa likod ng planong destabilisasyon laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Trillanes, gumagalaw si Gonzales at kinokombinse ang desmayadong SAF troopers upang mag-aklas laban sa administrasyong Aquino.

Ginagamit aniya ni Gonzales ang isyu nang madugong Mamasapano incident upang hikayatin ang mga miyembro ng PNP Special Action Force.

Gayonman, wala aniyang sumusunod kay Gonzales kaya’t hindi dapat ito seryosohin ng pamahalaan ngunit hindi rin dapat balewalain.

Si Gonzales ay nanilbihan bilang Defense Secretary ng nakaraang Arroyo administrasyon.

Ngunit nilinaw ni Ttrillanes , walang kaugnayan ukol dito si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Goria Macapagal Arroyo.

Patutsada pa ni Trillanes, pampagulo lamang sa Filipinas si Gonzales.

Niño Aclan/Cynthia Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …