Saturday , January 4 2025

Asunto laban sa mga abusadong kagawad ng MTPB at RWM Towing sunod-sunod na!

RWM towingSANA naman ay maging aral na sa iba pang kagawad ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at kompanya ng RWM Towing ang sunod-sunod na asuntong inihahain laban sa kanila dahil sa maling pagpapatupad ng towing operations laban sa mga motorista.

Isang estudyante ang naglakas ng loob na sampahan ng kaso ang isang kagawad ng MTPB na kinilala sa kanyang name plate na R. Ramos

Ipinipilit kasi ni Ramos na ang kaso umano niya ay SWERVING.

Alam n’yo mga suking readers. Wala pong asuntong SWERVING. Kahit sa ibang bansa po walang ganitong violation.

Mayroong mga paalala gaya sa Hong Kong, na kapag pumasok sa highway o tunnel ang sasakyan, kailangan manatili sa lane kung saan naroon ang sasakyan niya at manatili sa bilis na 60 kph or 80 kph.

At dahil constant ang speed ng lahat ng sasakyan, hindi talaga kailangang lumipat-lipat ng lane. Kapag nilabag ito ng motorista (na napakaimposible) doon siya magkakaroon ng violation.

Dito po sa atin, lalo na sa Metro Manila, hindi natin maintindihan ‘yang swerving-swerving na ‘yan lalo na kung naiipit sa traffic.

Lumalabas tuloy na ‘yang swerving-swerving na ‘yan ‘e ginagamit ng mga mapagsamantlang traffic enforcer.

Mabuti na lamang at mayroong estudyanteng naglakas ng loob na kasuhan sila.

Bukod sa kasong ito laban kay Ramos, mayroon pang anim (6) na miyembro ng Manila Towing Services at RWM Towing Services ang sinampahan ng kasong carnapping, grave coercion at malicious mischief ng tatlong motorista.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Hilario Ramos Jr., drive ng truck ng towing service; Rolly Gerva, Reignson Badi, Aviso Altorado, Michael Casimiro at Benjamin Mendoza Jr. Ang anim ay inireklamo ng tatlong motorista na pare-pareho nilang binatakan ng sasakyan.

Sabi nga, “A little knowledge is a dangerous thing.”

‘Yan po ang nakatatakot sa mga towing crew. Nakaparada nang maayos ‘yung motor o kotse sa harap ng isang banko o restaurant bigla nilang babatakin.

‘E saan ipaparada ng mga motorista ang sasakyan nila? Ano gusto ng mga taga-MTPB at towing company, pasanin ng motorista ang mga sasakyan nila hanggang sa loob ng mga establisimento?  Mayroon ngang kaso, napatalikod lang ‘yung may-ari ng motorsiklo, pagharap niya, binabatak na ‘yung motorsiklo niya.

SONABAGAN!    

Sa ganang atin, tama lang na sampahan ng kaso ang mga kamoteng ‘yan kung hindi nila aayusin ang trato nila sa mga motorista.

O mas mabuti pa, lusawin na ‘yang mga towing  company na ‘yan! 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *