Asunto laban sa mga abusadong kagawad ng MTPB at RWM Towing sunod-sunod na!
hataw tabloid
February 15, 2015
Opinion
SANA naman ay maging aral na sa iba pang kagawad ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at kompanya ng RWM Towing ang sunod-sunod na asuntong inihahain laban sa kanila dahil sa maling pagpapatupad ng towing operations laban sa mga motorista.
Isang estudyante ang naglakas ng loob na sampahan ng kaso ang isang kagawad ng MTPB na kinilala sa kanyang name plate na R. Ramos
Ipinipilit kasi ni Ramos na ang kaso umano niya ay SWERVING.
Alam n’yo mga suking readers. Wala pong asuntong SWERVING. Kahit sa ibang bansa po walang ganitong violation.
Mayroong mga paalala gaya sa Hong Kong, na kapag pumasok sa highway o tunnel ang sasakyan, kailangan manatili sa lane kung saan naroon ang sasakyan niya at manatili sa bilis na 60 kph or 80 kph.
At dahil constant ang speed ng lahat ng sasakyan, hindi talaga kailangang lumipat-lipat ng lane. Kapag nilabag ito ng motorista (na napakaimposible) doon siya magkakaroon ng violation.
Dito po sa atin, lalo na sa Metro Manila, hindi natin maintindihan ‘yang swerving-swerving na ‘yan lalo na kung naiipit sa traffic.
Lumalabas tuloy na ‘yang swerving-swerving na ‘yan ‘e ginagamit ng mga mapagsamantlang traffic enforcer.
Mabuti na lamang at mayroong estudyanteng naglakas ng loob na kasuhan sila.
Bukod sa kasong ito laban kay Ramos, mayroon pang anim (6) na miyembro ng Manila Towing Services at RWM Towing Services ang sinampahan ng kasong carnapping, grave coercion at malicious mischief ng tatlong motorista.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Hilario Ramos Jr., drive ng truck ng towing service; Rolly Gerva, Reignson Badi, Aviso Altorado, Michael Casimiro at Benjamin Mendoza Jr. Ang anim ay inireklamo ng tatlong motorista na pare-pareho nilang binatakan ng sasakyan.
Sabi nga, “A little knowledge is a dangerous thing.”
‘Yan po ang nakatatakot sa mga towing crew. Nakaparada nang maayos ‘yung motor o kotse sa harap ng isang banko o restaurant bigla nilang babatakin.
‘E saan ipaparada ng mga motorista ang sasakyan nila? Ano gusto ng mga taga-MTPB at towing company, pasanin ng motorista ang mga sasakyan nila hanggang sa loob ng mga establisimento? Mayroon ngang kaso, napatalikod lang ‘yung may-ari ng motorsiklo, pagharap niya, binabatak na ‘yung motorsiklo niya.
SONABAGAN!
Sa ganang atin, tama lang na sampahan ng kaso ang mga kamoteng ‘yan kung hindi nila aayusin ang trato nila sa mga motorista.
O mas mabuti pa, lusawin na ‘yang mga towing company na ‘yan!
Building attendant dumanas ng kalupitan sa kamay ng APD
DOBLE dagok ng kamalasan ang sinapit ng pobreng building attendant (BA) na kinilala sa apelyido niyang Bero, sa malupit na mga kamay ng ilang kagawad ng Airport Police Department (APD) na nakatalaga sa Light Reaction Security (LRS).
Sa impormasyon na nakalap ng Bulabog boys natin sa NAIA at mula mismo sa bibig ng mga kasamahan ng biktima, ‘kinalawit’ umano ng mga miyembro ng APD-LRS si BA Bero sa Arrival Curbside ng NAIA Terminal 1, isang araw ng Sabado (January 3 dakong umaga).
Ang mga BA ay service provider doing dirty jobs at the airport wearing red shirts. Ang dahilan kung bakit ‘dinakma’ si BA Bero ay inakusahan umano na ‘namamasahero’ sa lugar kung saan siya ‘dinampot’ na parang basahan.
Wala namang masama siguro kung nasa tamang proseso ang pag-aresto na ginawa ng mga APD personnel kay BA Bero. Pero ang masakit sa kalooban niya ay sinaktan pa umano siya at ikinulong habang nakaposas ang dalawang kamay?
Hanep huh!!!
Parang suspected terrorist pala ang dating ni BA Bero. Kung may katotohanan na sinaktan si BA Bero ay foul naman ‘yan mga ‘tol! Bukod sa hindi kayo sigurado na ‘namamasahero’ anong karapatan ninyong manakit?
Nang mabalitaan ni Mr. Ronald Rellama, ang group leader ng BA Outside Area ang nangyari sa isa niyang tauhan, agad siyang nagtungo sa APD-LRS Headquarters na matatagpuan sa ilalim ng Arrival/Departure Fly-Over.
After a few minutes of testifying that the man they accosted and manhandled is not engage in any shenanigans at the airport, saka lang pinalaya ang kawawang si BA Bero na tila nasobra-han ng ‘masahe’ habang nasa pangangalaga ng mga hot blooded APD-LRS.
Pero dear readers, hindi pa riyan natapos ang kalbaryo ni BA Bero. Ang pinakamasakit, ‘sinibak’ siya sa trabaho kung kaya’t sobra-sobra ang hinagpis niyang nararamdaman sa kasaluku -yan. Kaya naman ang plano ni BA Bero ay humi-ngi ng tulong sa isang kilalang hard hitting broadcaster para sa kaukulang ayuda sa pagsasampa ng necessary charges against the airport police.
AGM ret. Gen. Vicente Guerzon, ano kaya kung ilaban natin sa Mamasapano rebels ang mga APD-LRS na ginawang miserable ang buhay ni BA Bero?
Sa parte naman ng pamunuan ng APD, wala ba kayong balak na paimbestigahan ang nasa-bing insidente. Kawawa naman ang tao, nagulpi na, nawalan pa ng source of income.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com