Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, humarap na sa publiko kahit halata pa ang sugat sa mukha

ni Timmy Basil

021615 abs-cbn tv plus piolo

MASUWERTE ako dahil isa ako sa naimbitahang movie press sa launching ng ABS- CBN TV Plus na mas kilala bilang ang mahiwagang black box noong Miyerkoles ng gabi sa ABS-CBN Center Road at mismong ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio, ABS CBN Chairman Eugenio Lopez III, at ABS-CBN Access Head Carlo Katigbak ang nanguna sa ceremonial switch bilang hudyat sa pag-uumpisa ng digital television age sa bansa na sa pamamagitan ng Black Box na ito ay malinaw na malinaw na natin na mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN, Cinema na buong araw nagpapalabas ng mga pelikkulang aksiyon, comedy, at mga blockbuster Pinoy movies, ang Yeh na istasyon para sa mga bata, ang Knowledge Channel na curriculum-based ang mga napapanood for elementary and high school students, siyempre nariyan din ang DZMM Teleradyo at iba pang mga palabas.

WALANG MONTHLY BILL NA BABAYARAN SA BLACK BOX

Tiyak na mai-enjoy n’yo nang husto ang Black Box na ito dahil wala itong monthly bill unlike sa cable na buwan-buwan kang magbabayad. Sa halagang P2,500, mai-enjoy mo na ang crystal clear na signal ng inyong telebisyon kahit hindi flat screen pati ‘yung mga lumang modelo.

Mabibili na ito sa ABS-CBN Store, ABS-CBN Mobile Store, SM Appliance Centers, 2GO Express, Solid Service Center (Sony Augthorized Service Channel), Villman, Silicon Valley and other electronic, appliance and hardware stores.

Host si Robi Domingo sa nabanggit na launching, kumanta sina Jovit Baldovino at Piolo Pascual na halata pa ang sugat sa kanyang mukha dahil sa aksidente niya sa bike. Pero gwapo pa rin si Papa P kahit may sugat ang mukha.

Present din ang mga empleaado ng ABS-CBN na mabibili nila ang Black Box sa discounted na halaga at may chance pa sila na maging dealer nito for their extra income.

After the launching ay nagkaroon ng press conference regarding the Black Box sa 9501 Restaurant at lahat ng inimbitang movie press ay may tig-isang ABS CBN TV Plus na mas kilala bilang Mahiwagang

Black Box na pinasikat ng broadcaster na si Ted Failon.

Sa ngayon, available ang Mahiwagang Black sa Luzon, isusunod na ang Visayas.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …