Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charlene, napagkamalang naglilihi dahil sa paghahanap ng turkey bacon

021415 charlene gonzales aga muhlach

00 fact sheet reggeeMAGKAKASAMA kami nina Ateng Maricris Nicasio, bossing Dindo Balares, at katotongVinia Vivar sa ABS-CBN press office noong Huwebes ng hapon nang mabasa ni DMB ang post ni Aga Muhlach sa kanyang Facebook account ng, ”Question: Where can I buy turkey bacon? My Wife (Charlene Gonzales-Muhlach) wants it so bad!!! Thanks..thanks help pls!”

Siyempre, iisa kaagad ang inisip namin, ‘naglilihi’ ba ulit ang beautiful wife ni Aga?

Kami na rin ang kumontra dahil ang tanda namin ay nabanggit sa amin ni Charlene, magandang misis ni Aga na kuntento na raw silang mag-asawa sa kambal nilang sina Atasha at Andres na mag-15 taon na ngayong taon, 2015 dahil taong 2000 sila ikinasal sa St. Joseph the Worker Parish sa Picdal, Baguio City.

Pati si Mommy Elvie Gonzales ay hindi na pabor na madagdagan ang kambal niyang apo na sina Atasha at Andres na siya ang nag-aalaga kapag umaalis ang mag-asawa.

Ilang minute lang nag-post si Aga ay nag-trending na kaagad ang turkey bacon na halos buong taga-showbiz ay sumagot kung saan-saang lugar ito mabibili.

Lakas loob na tinanong ni bossing DMB ang paborito mong aktor Ateng Maricris, ”utol, masusundan na ba?” na kaagad namang sinagot ng mister ni Charlene ng, ”Dindo Balares, ha ha, ha, ha.”

Maya-maya ay sumagot na si Charlene sa FB account niya na wala raw silang mabili.

Maging ang isa sa The Voice of the Philippines judge na si Lea Salonga ay nakisali na rin,”why has all the turkey bacon disappeared? And PREGNANT???”

Kaagad sumagot si Charlene Mae (pangalan ni Charlene sa FB account niya), ”No, I’m not pregnant (insert smiley) been looking for it since we got back (galing ng US) because that’s what I’ve been having for breakfast in the States, eating right has been part of our gym training (insert smiley) he, he, he. When I have turkey bacon, don’t feel like I’m dieting, super yummy. My trainer in the States said turkey bacon could be part of your diet in the morning (insert smiley) music to my ears, he, he, he.”

Sabay hirit ni Aga, ”I’m pregnant, I was just gave birth, flat tummy again, naaaaks, choz!”

Susme, nagda-diet pala ang mag-asawa akala naman namin kung bakit naghahanap ng turkey bacon.

Matatandaang nasulat namin na nagpapapayat din si Aga para sa pagbabalik niya sa ABS-CBN dahil gagawa sila ng pelikula ni Lea.

Sa madaling salita, epektibo ang biggest challenge ni ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio kay Aga kasama na rin si Sharon Cuneta na talagang dibdiban din ang pagbabawas ng timbang.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …