Saturday , January 4 2025

PNoy nagkakanlong sa ‘Executive Privilege’ (Sa pagkakapaslang sa Fallen 44)

00 Bulabugin jerry yap jsyIT’S the other way around talaga.

Imbes ang commander-in-chief ang nagbibigay ng proteksiyon sa kanyang mga tauhan, si PNOY ngayon ang ikinakanlong sa mga palitan ng pahayag nina suspended PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima at PNP-SAF Director, Gen. Getulio Napenas sa nagdaang dalawang pagdinig sa Mataas at Mababang Kapulungan sa Kongreso.

Naglabas na ng sama ng loob si PNP OIC, Gen. Leonardo Espina at nakahamig naman siya ng simpatiya…pero wala pa rin umaamin kung sino talaga ang dapat managot.

Malinaw na ebidensiya ang video clip na iniuulat kay PNoy kung ano na ang sinapit ni Marwan. Bukod pa iyon sa mga naglabasang news video clips na ipinakikitang dalawang araw bago maganap ang Mamasapano incident ay nasa Mindanao na si PNoy.

At noong araw mismo na ‘yun, Enero 25, alam na ni PNoy kung ano ang nagaganap sa Mamasapano pero parang wala pa siya sa wisyo kung paano sasaklolohan ang mga kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).

Kung puwede lang sigurong humagulgol si Gen. Espina nang magkaroon siya ng realisasyon na talagang isinubo sa isang laban saka hinayaang mapaslang ang kanyang mga tauhan na tinatawag niyang — “MY MEN” baka ginawa na niya.

(Pero kahit naman humagulgol si Gen. Espina ‘e wala pa rin tatayo para aminin ang pananagutan).

Hindi na rin alam ni MILF commander Iqbal kung ano ang magiging posisyon sa nasabing pagdinig gayong ang alam nila ay nilulusob sila ng mga armado sa panahon na mayroong tigil-putukan.

Ipinagluksa ng sambayanan ang 44 na sundalo ng PNP-SAF pero walang nagtanong kung ilan ang namatay sa mga Moro na Filipino rin.

Sa kabila ng pagbubuwis ng maraming buhay dahil sa kapabayaan at ignoransiya ng pinaka-responsableng lider sa bansa —— wala pa ring nananagot.

Higit sa lahat ikinalulungkot natin ang ginagawang pagkakanlong ng ilang opisyal sa isang lider na nagkakanlong sa ‘executive privilege’ at sabi nga ay inakalang mga karakter sa DOTA at clash of clans ang buhay ng Fallen 44 at iba pang napaslang at nasugatan sa nasabing insidente.

Kaya nga ang tanong ng sambayanan, ano ba talaga ang ginawa ng ating commander-in-chief?!

Mukhang maraming dapat ipaliwanag ang Palace spokespersons na sina Secretary Sonny ‘kolokoy’ este Coloma, Sec. Edwin Lacierda at Madame Abigail Valte.

‘Di ba mga bossing?!

100 CO-PASSENGERS SA SAUDIA FLIGHT NG NURSE NA MAY MERS-CoV HINDI PA RIN NAILO-LOCATE

Nagbabala ang ilang medical authority na maging maingat sa panahong ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa nailo-locate ang mahigit 100 pasahero ng SAUDIA FLIGHT 860 noong Pebrero 1, na kinalulunanan din ng 32-anyos Pinay nurse na natagpuang mayroong Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).

(Siguraduhin po ninyong nakasuot ng surgical mask lalo na kung pupunta sa matataong lugar gaya sa mall, playground, at iba pa).

Hindi umano na-detect ng scanners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pasyente dahil wala siyang mga sintomas nang dumating sa bansa.

Kinabukasan pa niya naramdaman ang nasabing mga sintomas kaya agad siyang nagpunta sa doktor. Sumailalim sa iba’t ibang uri ng laboratory test at ang unang resulta ay lumabas nitong Pebrero 9.

Pebrero 10 ay agad na siyang inilagak sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Gayon man hindi maisailalim sa ibang pagsusuri ang nasabing pasyente dahil natuklasan na siya pala ay nagdadalang-tao.

Ngayon po, para naman po sa kapakanan ng buong bansa, seguridad ng kalusugan naman po ang pinag-uusapan dito, MAGKUSA na po ‘yung mga nakasabay na pasahero sa SAUDIA flight 860 na magpunta sa pinakamalapit na medical facility sa inyong lugar para matiyak ninyo na hindi kayo nahawa ng virus.

Kaysa naman buong pamilya pa ninyo ang maapektohan.

Inuulit ko po, siguraduhing nakasuot ng surgical mask kung kayo ay magpupunta sa matataong lugar lalo na’t hindi pa nagkakaroon ng clearance ang mahigit sa 100 pasahero ng nabanggit na flight.

Ingat, ingat po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *